^

PSN Showbiz

’Hindi ako masusubukan sa pera‘

-
Sunud-sunod ang write-ups ngayon sa manager nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado na si Ms Becky Aguila dahil kinuwestiyon daw siya ng mga alaga tungkol sa pera at nu’ng wala raw maipaliwanag na dahilan ay nagpa-release na raw ang dalawang prime talents ni Tita Becky.

Kaya naman nagsalita na ang manager nina Darna/Narda at Lira na "Nagulat nga ako sa mga nagtatanong at nagte-text sa akin na sirang-sira na raw ako sa GMA 7 dahil nilayasan ako ng mga talent ko, which is not true.

"I’m still the manager of Angel and Jennylyn, they have a contract with me kaya paano nila ako iiwanan? Saan nanggagaling ang balita?

"At saka anong problema sa pera? Wala kaming problema sa pera, si Angel nasa kanya ang bank book niya, she’s holding her own money, I only get my commission na 12.5% lang dahil naghati kami ng Artist Center sa 25%.

"With regards to Jennylyn, ako talaga ang humahawak ng pera niya dahil ‘yun ang pakiusap ng parents niya, even the biological father, ‘yun ang hiniling at dumaan pa kami sa lawyer para legal lahat.

"Ayoko sanang tanggapin ‘yun dahil pera ‘yan, but since they insist, tinanggap ko, pero lahat may receipts kung ano ang ginagastos niya, ano ang tinatanggap niya,all accounted for ang papeles at anytime, anywhere puwedeng tingnan ni Jennylyn ‘yan.

"Hindi siguro alam ng lahat na maraming payables si Jennylyn in a month at maski na marami siyang raket, hindi naman kalakihan ang kinikita niya sa shows, maliban pag nag-endorse siya, do’n lang siya bumabawi. Kaya nagulat talaga ako sa mga isyu regarding money matters, hindi nila ako masusubukan sa pera," ang paliwanag sa amin ni Tita Becky.

Nabuklat din ang perang kinita raw ni Jen sa fanatext na umabot na sa P3M at saan daw napunta lahat ‘yun dahil wala namang nahawakan ang aktres dahil hindi raw siya ang kumukuha ng tseke niya.

"Alam ni Jen kung saan napunta dahil ipinakita ko lahat ang withdrawal slips at kung para saan ang mga ‘iyon. Hindi ako ang kumukuha ng tseke niya sa fanatext kundi ‘yung PA niya at diretso ‘yun sa bangko niya dahil nakapangalan sa kanya.

"Tatlong milyon simula nu’ng nanalo siya as Starstruck Female Survivor hanggang ngayon. Saan-saan nga ba napunta?

"May sarili na siyang bahay ngayon na hinuhulugan niya monthly, may dalawang sasakyan na may monthly amortization din, may mga biniling magagandang gamit sa bahay, allowances ng parents niya, sa mommy Lydia niya, sa biological father niya, sa tatay niyang may sakit, allowances niya. Hindi alam ng mga nagsusulat o ng mga nagkakalat ng tsismis kung gaano kalaki ang payables ni Jen in a month. Kaya sana, they have to verify first before they jump into conclusion," dagdag paliwanag pa nito.

Ayaw sanang magsalita ni Tita Becky tungkol sa isyu dahil hindi magandang pag-usapan ang tungkol sa pera at dahil may inaalagaan siyang image sa mga kliyente niya at advertising companies pero, kailangan niyang iklaro ang pangalan niya.

"Masyado nga akong sinisira ng mga tsismis at ng mga nagsusulat kaya one of these days ay makikipag-usap ako sa GMA executives para malaman nila ang side ko, balita ko kasi, may naninira sa akin at hindi pa naririnig ang side ko," pahayag pa.

At kung hindi raw matatapos ang isyung ito ay iko-konsulta raw niya sa abogado ang mga negative write-up niya na sinisira ang pangalan niya. — REGGEE BONOAN

AKO

ANGEL AND JENNYLYN

DAHIL

JENNYLYN

KAYA

NIYA

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with