Di sisikat kung di maghuhubad!
August 11, 2005 | 12:00am
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Katrina Halili ay di nito napigilan na maiyak dahil sa intrigang ibinabato na hindi naman siya sisikat kung hindi siya maghuhubad pero hindi naman ito papayag na mag-bold. Gumagawa na rin ito ng malaking pangalan na hindi nangangailangan ng pagtatalop ng katawan dahil magaling naman siyang umarte.
Nalilinya ito sa character role at payag naman siyang maging kontabida gaya ng ginawa niya sa Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa kung saan magkakaroon ito ng kaugnayan kay Mikey Arroyo na bida sa pelikula.
Balik uli ito sa telefantasyang Darna bilang si Black Darna na isa rin sa kampon ng kadiliman.
Ganito rin ang kailangan ng aming katulong na si Nidarlyn Aguilar na nangangailangan ng donor ng mata para sa kanyang corneal transplant kaya inilapit ko sa Sagip Mata Foundation ng Capitol Medical Center.
Ayon kay Dr. Jose Alvin Agustin, matatagalan bago makakuha ng donor dahil mahirap makakuha ng pamilyang namatayan na handang i-donate ang anumang organ ng kanilang namayapang mahal sa buhay.
Limang beses na nagpalit ng damit ang bading kung saan bigay na bigay ito sa piktoryal. Sweet na sweet ito sa kaparehang aktor na naiilang naman dahil may girlfriend na ito na isang aktres din.
Feeling girlash talaga ang bading na komedyante na galing din sa showbiz clan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended

























