^

PSN Showbiz

Anna Leah Javier, nakakuha ng kakampi

-
Dahil over na ang mga batikos ni Zambales Rep. Antonio Diaz kay Anna Leah Javier, kung saan, maliban sa hinusgahan niya ang pagkababae ni Anna Leah ay pinaratangan pa niya itong "prostitute." Di maiiwasan mag-react ang Congressman from Biliran City na si Cong. Gerry "Boy" Espina na leading-man ng Viva Hotbabe sa pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa na pinagbibidahan nina Cong. Mikey Arroyo and Katrina Halili under Cine Suerte Films.

Kung masamang babae ang pagkakakilala ni Rep. Diaz kay Anna Leah, si Cong. Espina ay hindi! Para sa kanya maliban sa edukada ay napaka-simple pang tao at hindi pakawala ng hotbabe. At hindi porke, naghuhubad raw sa pelikula si Anna Leah, ay may karapatan na ang kahit sino sa atin ang husgahan siya. Saka sa mga pictorials ng Viva Hotbabes na lumabas sa isang magazine, siya lang ata ang hindi nag-all the way doon. Hindi rin talaga fair ‘yung ginawa ni Cong. Diaz, porke galit siya dahil dinemanda siya ng sexual harassment ni Anna Leah, ay kung anu-anong masasamang salita na ang binitawan niya rito. And we heard, na buong Biliran City lalo na ang mga constituents ni Cong. Espina ay nakikisimpatiya ngayon sa magandang sexy star ng Viva.

Anyway, masayang ikinuwento ni Cong. Espina, na mabilis nilang natapos ang movie nilang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa, ng bestfriend niya at kapwa niya kongresista na si Cong. Mikey Arroyo. Pinuri niya ang mabilis na pagtatrabaho ng kanilang director na si Willy Milan. Sa June 28 na raw ang tentative playdate ng movie nila na ang premier night ay gagawin nga sa lugar niya sa Biliran City. Pahabol pa ng mabait at binatang congressman hindi prostitute, kundi disenteng babae ang ka-partner niyang si Anna Leah Javier. Aminado rin ang actor-politician na may pagtingin siya sa Viva Hotbabe. Pero nais, niyang linawin na hindi ito ang rason kung dine-depensahan niya ito kundi naniniwala raw kasi siya rito. – PL

vuukle comment

ANNA LEAH

ANNA LEAH JAVIER

ANTONIO DIAZ

BILIRAN CITY

ESPINA

NIYA

PASAWAY KA PA

SABLAY KA NA

VIVA HOTBABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with