^

PSN Showbiz

Diether, balak mag-produce ng pelikula

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa May 15 ay kaarawan ni Jennylyn Mercado kung saan bukod sa party para sa malalapit na kaibigan at pamilya gayundin ang fans day ay may charity works ito.

Dahil sa kakapusan ng oras ay hindi na natuloy ang birthday concert nito na idaraos sana sa Music Museum para sa kanyang BATA Foundation. May pelikula kasi itong ginawa ang Say That You Love Me.

Sa kaarawan nito ay pupunta siya sa isang orphanage sa Cavite para pasayahin ang mga bata kung saan namamahagi ito ng mga regalo. Syempre katuwang sa magandang gawain ang kanyang nobyong si Mark Herras.
Pati Mga Press People, Nagpustahan Sa Pinoy Pop Superstar
Ang saya-saya ng ambiance sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang grand showdown ng walong Pinoy Pop Superstar contenders. Bawat grupo ng mga tagahanga nila ay nag-tsi-cheer para sa kanilang mga idolo.

Tama ang hula ko sa Top Four contenders na sina Jonalyn Viray, Charmaine Piamonte, Brenan Espartinez at Michael Anthony Garcia.

Nagsimula kaming magpustahan ng ilang kapatid sa panulat nang dalawa na lang ang matira-sina Jonalyn at Brenan. Inawit nila kapawa ang "Miracle" kung saan may linyang sumabit si Brenan.

Kunsabagay, mas kailangan ni Jonalyn ang premyo at deserving naman siya bilang champion. Naalala ko nang tanungin ko siya nun kung bakit sumali sa Pinoy Pop Superstar. Financial problem ang dahilan kaya halos napaiyak sa katuwaan ang kanyang magulang sa pagkakapanalo nito.
* * *
Hindi man nanalo si Brenan ay siya naman ang napili ng Coca-Cola Most Admired Superstar Award dahil well-like siya ng mga kasamahang contenders. Nagsilbi itong parang big brothers sa kanila. Binigyan ito ng P20,000.

Nang manalo si Jonalyn ay binuhat pa niya ito dahil masaya rin siya sa pagkapanalo ng dalagita.
Diet, Nais Maging Film Producer
Maraming negosyo si Diether Ocampo at pinakahuli ang A-List Magazine bilang karagdagan sa UNO Magazine na nagtatampok sa mga sikat at seksing celebrities. Ang unang issue nito ay lalabas sa July at distributed sa Asia.

Nasabi nito na kapag stable na ang isang malaking negosyong bubuksan nito na tutulong sa mga Pinoy sa abroad ay baka matuloy na ang kasal nila ni Kristine Hermosa. Gusto niyang may matatag na kabuhayan para sa kanyang pamilya.

Balak din n’yang magprodyus ng pelikula balang araw kaya interesado rin si Diet na mag-aral ng filmmaking.
Tumatawag Sa TC Para Sa Tv Guesting
Noong kasikatan ng magandang singer-actress na ito, hirap ang mga talent coordinators na i-guest ito. Primadona ito dahil sa pagiging sikat. Consistent sa recording chart bilang number one ang kanyang mga awitin.

Kabaligtaran ngayon ang katayuan ng singer dahil ayon sa balita, siya na mismo ang tumatawag sa mga talent coordinator ng iba’t ibang shows para mai-guest lang siya. Baka nga naman makalimutan na siya ng mga tao.

vuukle comment

A-LIST MAGAZINE

ARANETA COLISEUM

BRENAN

CENTER

JONALYN

PINOY POP SUPERSTAR

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with