^

PSN Showbiz

Gustong sumunod sa yapak ng ina

- Veronica R. Samio -
Kung di pa dahil kay Bing Adorna, isa ring showbiz writer ay di ko pa malalaman na may anak nang dalaga ang former Bb. Pilipinas winner na si Maria Isabel Lopez. Ito ay si Mara Isabelle Lopez-Yokohama, pinaka-batang surfer na Pinay at nasa ikalawang taon sa high school sa OB Montessori Greenhills.

Balak din ni Mara na mag-join ng beauty contest at di man siya palarin tulad ng kanyang ina, okay lang dahil magandang experience ito. At para maihanda ito sa kanyang balak, palagi siyang isinasama ng kanyang ina sa mga lakad nito para matuto siyang makisalamuha at makisama sa tao.

Nabigyan na ng short appearance si Mara sa movies, bilang barkada ni Sarah Geronimo sa Lastikman. Pangarap niyang mabigyan ng lead role sa isang comedy movie.

Modelo silang dalawa ng kanyang ina ng Milton Lloyd perfumes under Mark & James ng England.
* * *
Kakatuwa itong si Raymond Manalo, ang runner-up ni Rachelle Ann Go sa Search For A Star. Nagpunta na ang mga taga-GMA sa kanilang lugar sa Pampanga para magbigay ng audition sa nasabing singing contest pero, hindi pa siya sumali, dahil nahihiya raw siya sa anumang magiging kahihinatnan ng kanyang audition. Sa halip ay nagpunta siya ng Maynila at dito nag-audition. Nakapasa naman siya at nakuha ang ikalawang posisyon sa grand finals.

Pumayat na rin si Raymond nang makita’t makausap ko sa album launch niya. Iginawa siya ng Viva Records ng isang debut album na pinamagatang "Faithfully" na may carrier single na "Kung Alam Mo Lang", pinasikat nun ni Toni Daya. "Pinapag-diet talaga ako ng Viva dahil hindi raw maganda kung mataba ako sa launching ko. Hindi lang ako kumain ng rice," sabi niya.

Isang scholar si Raymond sa Holy Angel University sa Pampanga na kung saan ay kumukuha siya ng kursong Finance. Scholar siya dahil sa kanyang pagkanta.

Nagko-commute pa rin siya kapag umuuwi at natutuwa siya na kahit anong disguise ang gawin niya, kahit magsuot siya ng dark glasses, mag-cap, nakikilala pa rin siya. Minsan pumunta siya ng record bar para tingnan ang kalagayan ng album niya, kung may tarpaulin na ito. Nakilala siya ng saleslady at pinatugtog ang carrier single niya.

Kahit pagkanta ang sasabakan niya, pinakuha na rin siya ng acting workshop kasama si Mark Bautista at isasama pa sa pagbabalik ng Night of the Champions sa US.

vuukle comment

BING ADORNA

HOLY ANGEL UNIVERSITY

KUNG ALAM MO LANG

MARA ISABELLE LOPEZ-YOKOHAMA

MARIA ISABEL LOPEZ

MARK BAUTISTA

MILTON LLOYD

MONTESSORI GREENHILLS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with