^

PSN Showbiz

Sunshine,Brad mag-on ?

-
Mag-on na nga sina Sunshine Dizon at Brad Turvey dahil sinagot kamakailan lang ng dalaga ang gwapong binata!

Talagang hindi na mapigilan ang pag-iibigan sa pagitan nila Lora, ang manunulat na ginampanan ni Sunshine at ni Joaquin, ang gwapong publisher na ginagampanan ni Brad sa True Romance episode ng Love to Love.

Sakay ng isang bangka, dinala ni Joaquin para sa isang romantic date si Lora sa kabila ng lawa na sakop pa rin ng resort na kanilang pinuntahan. Ang hindi nila alam, sinundan pala sila ni Paco (Antonio Aquitania) kasama ang kanyang girlfriend na si Maricel (Jacque Estevez)!

Si Paco ang binatang may-ari ng apartment ni Lora na madalas kaaway ng dalaga dahil sa upa sa bahay. Nagkabati lamang ang dalawa dahil sa isang kasunduan — kailangang tulungan ni Lora si Paco na maging isang perfect gentleman para magka-nobya ito. Kapalit nito ay ang pananatili ng dalaga sa inuupahang apartment na pag-aari ng binata.

Naging close sina Paco at Lora hanggang sa maging nobya ng binata si Maricel. Lingid sa kaalaman ni Paco, minahal siya ni Lora. Ngayon na may kanya-kanya na silang pag-ibig, bakit sinusundan ni Paco sina Lora at Joaquin? Nagseselos ba si Paco? Maging aso’t pusa kayang muli ang maayos na relasyon nina Lora at Paco?

Ka-back-to-back ng True Romance ang episode na Love Blossoms na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Alfred Vargas at Biboy Ramirez. Tanggapin kaya ni Jasmin (Jolina) ang marriage proposal ni Edward (Biboy)? Paano na si Martin (Alfred)?

Alamin ang mga kasagutan sa mga nakakikilig na kwentong pag-ibig hatid ng Love to Love ngayong Linggo pagkatapos ng SOP Gigsters.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANTONIO AQUITANIA

BIBOY RAMIREZ

BRAD TURVEY

JACQUE ESTEVEZ

JOAQUIN

JOLINA MAGDANGAL

LORA

PACO

TRUE ROMANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with