Juday, out na sa Mano Po 3
October 10, 2004 | 12:00am
Nagulat si Judy Ann Santos sa sitsit ng isang reporter na sabi ng manager ng aktres ay na-pull out na niya ang aktres sa Mano Po 3 pagkatapos ng mahabang pag-aaral nito kung isasama o hindi ang aktres sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Ms. Vilma Santos.
Nalungkot si Judy Ann Santos na finally wala na siya sa cast ng Mano Po 3. Gustung-gusto sana niyang makasama ang Star of All Seasons na ayon sa kanya, si Mayor Vi na lamang ang kulang sa kanyang bio-data para makumpleto ito. Nakasama na niya sina Fernando Poe, Jr., Susan Roces, Nora Aunor, Sharon Cuneta at Maricel Soriano.
Sa rami ng kanyang project na ginagawa hindi nito magawa, ang project dahil marami na siyang nasimulan at makakasabay ng Mano Po 3.
"Nakakapanghinayang talaga dahil lahat ng mga baguhang artista ay gustong makasama si Ate Vi. Mabubuo na talaga ang resume ko bilang artista kapag makasama ko sa movie si Ate Vi," pangwakas ng aktres na hindi humihinto sa pag-aasam na isang araw ay magkakasama pa rin sila ni Ms. Vilma Santos sa isang pelikula. Alex Datu
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















