^

PSN Showbiz

Randy Santiago, sure na ang pagbalik sa MTB

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Definite na ang pagpasok ni Randy Santiago sa MTB: Ang Saya Saya. Ayon sa source ng Baby Talk, wala pa lang schedule kung kailan babalik si Randy sa dati niyang programa. Si Randy lang daw at wala nang iba pang papasok sa nasabing noontime show ng ABS-CBN.

Hindi rin totoong magtatanggal sila ng co-host contrary sa nababalita dahil magdadagdag pa nga raw sila.
* * *
Kare-retoke lang ng boobs ng isang boldstar. Fresh as in bagong-bagong overhaul ang boobs ni G nang makita namin. Kaya naman pala lalong nadagdagan ang confidence nito dahil nga bumagay sa kanya ang retokadong boobs.

Kaya ‘wag kayong masa-shock kung biglang lumaki ang boobs niya habang rumarampa sa mga TV shows na kasama siya.
* * *
Fabulous ang debut ni Rachelle Ann Go last Tuesday night sa The Plaza sa Tektite Tower. Si Boss Vic del Rosario ang last dance kaya walang intriga. But before Boss Vic, si Christian Bautista ang kasayaw ng debutante. Sweet sila at parang there’s something going on.

Si Erik Santos ang first dance ni Rachelle kaya sigawan ang mga guests. At ang surprise that night ay si Luis Manzano na hindi nagmadaling umalis.

Present din syempre si Mark Bautista na nagpi-prepare na for Lastikman.

May individual numbers sina Erik, Christian and Mark, pero mas maraming kinilig kina Rachelle and Christian.

Anyway, kasama sa nag-offer ng 18 gifts for Rachelle ang Viva Hot Babes. Almost complete ang group — Katya Santos, Myles Hernandez, Gwen Garci, Ella Mae, Jennifer Lee. Lahat sila, impressed sa singing talent ni Rachelle. According to Ms. Veronique del Rosario, Rachelle’s manager, dalawang Hot Babes lang ang nag-confirm na darating, pero nagulat siya nang halos lahat ay present.

Anyway, nag-stay ang grupo ng almost an hour habang nakikipag-tsikahan sa presidential table. Pero alam n’yo bang sumalisi sina Erik Santos and Mark Bautista sa pakikipagkwentuhan sa Hot Babes.

Anyway, going back to Rachelle, ang ganda ng damit niya in fairness, especially ‘yung light blue na design by Nono Palmos.

Aside from her showbiz friends, present din ang mga classmates niya sa San Beda na iisa lang ang sinasabi, "nami-miss ka na namin."

Ang bilis bumulusok ng career ni Rachelle. After niyang manalo sa Search For A Star, sunod-sunod na ang project niya. Regular siya sa ASAP Mania, platinum na ang album niya at successful ang concert nila nina Sarah Geronimo and Erik Santos, Night of the Champions sa Araneta Coliseum. At ngayon, sa Amerika naman nila dadalhin.

"Ano pa bang pwede kong sabihin, kundi salamat," sabi ni Rachelle.
* * *
Napanood n’yo ba last Thursday night ang Debate? Pinagtalunan sa nasabing programa kung ano ba talagang intention ng SM malls at ayaw niyang magpalabas ng bold movies?

Nasa panel ng agree sina Representative Allan Cayetano and CIBAC representative na hindi ko na ma-recall ang pangalan.

Feeling ko, dapat wala sila sa nasabing debate dahil hindi naman sila part ng showbiz at hindi nila alam kung anong totoong nangyayari.

Buti na lang at magaling sumagot si Direk Soxy Topacio sa panel na disagree sa decision ng SM na huwag ipalabas ang mga bold movies kaya hindi sila gaanong umubra.
* * *
Isa na namang dance showdown na pangungunahan ng mga ABS-CBN Star Magic talents ang handog ng ASAP Mania.

Unang hahataw ang grupong Anime sa dance hit na "Protect My Heart." Papasok naman sina Joseph Bitangcol, Alwyn Uytingco, Zeppi Borromeo at Maja Salvador sa awiting "Triple Trouble" ng Beastie Boys. Ang taray talaga ni Maja dahil siya lang ang only girl sa mga cute na boys!

Tiyak naman na magliliyab ang stage pag ang mga sexy girls na ang sumayaw! " Turning Me On"ni Nina, "Sky" ang isasayaw nina Cherrylou, Gem Ramos at Michelle Bayle. Last dance number na "Msc" ng Sugarbabes at ni Janet Jackson. Exciting ito dahil parang ang tagal na nang huling napanood na nagsayaw si Marvin!

vuukle comment

ALLAN CAYETANO

ALWYN UYTINGCO

ANG SAYA SAYA

CENTER

ERIK SANTOS

HOT BABES

MARK BAUTISTA

RACHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with