^

PSN Showbiz

Cager, panay ang text kay Hannah

-
Malaking sorpresa sa kapistahang naganap sa Nueva Ecija ang pagdating ng singer na si Hanna Villame sa invitation ng Vice Mayor na si Santy Austria. Pinagkaguluhan doon ang magandang anak ng singer-comedian na si Yoyoy Villame. Gulat si Hanna dahil may mga nagbibigay pa ng rosas sa kanya. Sana raw, mga binata ang nagbibigay sa kanya ng bulaklak, kalimitan kasi ay mga teenager na ngayon lang nagbibinata.

Pero teka, sino kaya yung basketball player na kakilala ni Hanna na na-meet niya sa pinuntahang kapistahan? Six footer siya at pwedeng artista. Panay tuloy ang tingin sa kanya ng Tito Joey niya dahil ito ang mahigpit na nagbabantay kay Hanna, hangga’t maaari, ayaw muna niyang ma-in love ang tinaguriang Celine Dion ng Pilipinas. Makakasira lang daw sa bumobunggang career ngayon ni Hanna.

Katunayan sa month of July, papuntang Barcelona, Spain si Hanna kasama ang ama. Papunta rin siya ng Ontario Canada. Tutuloy din sa London, pagkatapos sa Milan, Italy. Tila hindi na magpapaawat ang singer. Special guest din si Hanna sa opening ng Kintaro Promotion sa Arias St., Las Piñas. Kahapon nagmistulang may concert si Hanna sa Kintaro Music Lounge sa Baliuag Bulacan. Matapos hilingang kumanta, ayaw ng tigilan ng mga customers. Nagulat kami nang dumating bigla si Mike Magat. May pinasyalan lang daw si Mike sa naturang lugar. Nag-duet pa silang dalawa. — VG

vuukle comment

ARIAS ST.

BALIUAG BULACAN

CELINE DION

HANNA

HANNA VILLAME

KINTARO MUSIC LOUNGE

KINTARO PROMOTION

LAS PI

MIKE MAGAT

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with