^

PSN Showbiz

Direk Toto,sasabak na sa bold wagon

-
Bakit daw, biglang-bigla, ang isang Direk Toto Natividad na nakilala sa action films ay eto, bumabalik with films tulad ng Mga Babaing May Lawit (sex-comedy) at Paraiso (sex-drama)?

"Gusto kong i-reinvent ang sarili ko," kaswal na sagot ng habulin ng chicks na si Direk Toto, habang tinitingnan sa Escolta office ng World Arts Cinema ang kade-deliver lang na posters, photos at newspaper layout ng latest movie niyang Animal na ire-release ng WAC sa Abril 28.

"Para sa Mga Babaing May Lawit, limang magagaling na aktor ang kanyang napipisil na lumabas sa title role, mga credible actors sa kanilang pagbabakla-baklaan sa TV at pelikula Raymond Bagatsing, Diego ng GMA 7, Justin Cuyugan, Ketchup at John Lapus."

Hindi ba siya natatakot na disaprubahan ng MTRCB ang kanyang title?

"Mas mabuti nga, para maging test case at mapag-usapan ’yung isyu ng ‘double meaning titles’. Baka makabuti pa sa ating ‘naghihingalong’ industriya," ani Direk Toto.

After Lawit, gagawin ni direk sa WAC ang Paraiso (starring sexy sirens sa stable ni Ms. Jojo Galang). Join na ba sa boldwagon si Direk Toto?

"Lahat ng tipo ng pelikula-lalo na ’yung di ko dating ginagawa, gusto kong gawin. Challenge ’yan sa akin bilang filmmaker," aniya.

Anong reaksyon niya sa mga nakapanood sa advance showing ng Animal na nagsasabing brutal daw ang rape slay rito?

"Gusto ko kasing maging realistic ang dating ng rape dito, para magpagalit ng audience. Paano mo sila tatakutin kung pa-kyut ang treatment at execution mo ng rape? Kaya siguro may ibang daring na babaing nagbibiro na ‘Type ko na rin ma-rape!" Aba, ‘pag nakita nila rito ang dusang inabot nina Pyar (Mirasol) at Via (Veloso), hindi na nila hahangaring ma-gang rape!" ani direk.

vuukle comment

DIREK TOTO

DIREK TOTO NATIVIDAD

JOHN LAPUS

JUSTIN CUYUGAN

MGA BABAING MAY LAWIT

MS. JOJO GALANG

PARAISO

RAYMOND BAGATSING

WORLD ARTS CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with