^

PSN Showbiz

Mga Pinoy sa US,angat sa showbiz

-
Kahit 20 porsyento lamang ng lahat ng kabataang may dugong Pilipino sa Amerika ang nagka-interes sumali sa American Idol, malaki ang posibilidad na puro mga Pinoy ang pupuno sa12 finalist slot sa programang ito na pinakasikat ngayon sa Amerika.

Ito ay ayon kay senatorial bet Boots Anson-Roa na nagsabing maraming batang Pinoy na nakatira sa ibang bansa ang may itinatagong kakaibang talento sa pag-arte, pag-awit at iba pang talino sa showbiz.

Dating cultural officer at press attache’ sa embahada ng Pilipinas sa Washington D.C., sinabi ng aktres na ang pagpili kina Jasmine Trias at Camille Velasco na makabilang sa 12 finalist ng American Idol ay patunay lamang ng kahusayan ng mga kabataang Pilipino sa showbiz.

‘‘Sa 11 taong inilagi namin ni Pete sa Amerika bilang mga overseas Filipino workers, nakita namin kung paano pataubin ng mga batang may dugong Pinoy ang mga Amerikano at iba pang mga banyaga sa iba’t ibang sining sa showbiz. Iba talaga ang Pinoy,’’ pagmamalaki ni Anson-Roa.

‘‘Kabilang sa maipagmamalaki nating mga Pinoy ay ang ating talento at kagalingan, sa sining sa pagkanta, sayaw at pag-arte. Gaya nina Lea Salonga at Monique Wilson na nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa Miss Saigon, si Billy Crawford na sikat na sikat sa Europa, sina Jasmine Trias at Camille Velasco ay dapat din nating ipagmalaki,’’  pahayag ni Anson-Roa.

Mahigpit ang kumpetisyon sa American Idol gaya ng StarStruck sa Pilipinas dahil unti-unting inaalis hanggang maging isang babae at isang lalaki ang magkamit ng grand prize.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

AMERIKA

ANSON-ROA

BILLY CRAWFORD

BOOTS ANSON-ROA

CAMILLE VELASCO

JASMINE TRIAS

LEA SALONGA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with