^

PSN Showbiz

Actor,nagpa-take home sa matrona !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Malakas ang appeal ng sikat na sexy actor na ito kaya marami ang nababaliw sa kanyang mayayamang bading at matrona. Nakukuha naman ang aktor "if the price is right", ika nga.

One time ay isinama siya ng manager sa isang first class hotel kung saan may ipakikilala pala sa kanyang mayamang matrona. Nag-dinner muna ang tatlo sa coffeshop ng hotel. Maya-maya ay lumabas na ang sexy actor kasama ang madatung na matrona.

Nagbida na rin ang aktor sa isang sexy movie katambal ang sikat na sexy actress na galing sa angkan ng pulitiko.
Di Nagseselos Kay Richard
Sa presscon ng Kuya ay itinanggi pa rin ni Railey Valeroso na nobya niya si Chynna Ortaleza. Nasa stage pa rin daw sila ng "getting to know each other" na ikinataas ng kilay ng mga bading na writers’ dahil ayaw nilang maniwala.

Umamin na kasi noon si Chynna na mag-on sila pero dumating sa puntong nag-cool off sila. Pero hanggang ngayon naman ay sila pa rin ang magka-date sa mga lakaran. Sinabi nga ni Railey na ang aktres ang kanyang ka-date this Valentine’s Day at plano nilang mag-dinner at manood ng sine.

Samantala, may passionate kissing scene sila ni Angel Locsin sa Kuya.

Hindi ba siya nagseselos kapag may kahalikang iba si Chynna? tanong namin.

"Hindi naman basta’t si Richard Gutierrez ang kanyang kahalikan. Kasi close kami at wala lang yun sa kanya. Siguro kung iba ang kahalikan niya, magseselos ako," sey ni Railey.

Sa pelikulang Kuya ay isang mahirap at working student ang papel na ginagampanan nito pero responsable. Sa tunay na buhay ay responsable siya dahil kapag wala ang kanyang magulang ay siya ang tumitingin sa mga nakababatang kapatid. Panganay kasi si Railey kaya sa kanya ibinibilin ang mga ito.

Matapos ang aksidente noon ay nakakapaglaro na rin siya ng basketball at nakakapag-jogging pa. Pero one month pa siyang magti-theraphy.
Mahigpitan Ang Labanan
Marami na ang nagpupustahan kung sino kina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado ang mapipili sa pagtatapos ng StarStruck sa katapusan ng buwang ito. Parehong may talento ang dalawa–ang isa sa akting, ang isa naman sa singing. Kung noon ay nakalalamang si Yasmien ngayon ay humahabol si Jennylyn at marami na rin ang boto sa kanya para mapili kasama ang isa kina Mark Herras at Rainier Castillo. Sabi nga ng ilang direktor ay sanay nang humarap sa kamera sina Yasmien at Jenny at kayang talbugan ang ibang talent ng GMA Artist Center.
First Time Makipag-Lips To Lips
Sa presscon pa rin ng Kuya nakakwentuhan namin si Oyo Boy Sotto na gumaganap sa papel na Ferdie na galit sa mundo dahil hiwalay ang kanyang magulang. Laging nasa labas ang kanyang daddy at walang ginawa kundi ang mambabae. Tinanong ng mga press people kung naka-relate ba siya sa role na ginampanan dahil parang kwento ito ng kanyang daddy. "Hindi naman. Iba ang tatay ko dahil responsable naman siya at mapagmahal," aniya.

Umikot ang kwento tungkol sa barkada pero in the end na-realize ni Oyo ang kanyang pagkakamali. Masaya rin nitong naikwento na first time niyang magkaroon ng kissing scenes sa pelikula with Aubrey Miles. "Naka-taka one lang ang aming lips to lips," sey pa nito.

Sa tunay na buhay ay silang magpipinsan lang ang magkakabarkada. Di na sila gumigimik at mas gustong sa bahay na lang maglaro ng computer. Bilang kapatid naman ni Danica inamin nito na over-protective siya at sinisita ito kapag maigsi ang damit na isinusuot ng kapatid. "Kapag may nanliligaw sa kanya ay gusto ko silang magdaan muna sa akin para makilala ko sila nang lubusan. Di rin ako nakikialam sa lovelife ng aking mga magulang dahil kung saan sila masaya ay masaya na rin ako," dagdag pa nito.

Zero ang kanyang lovelife sa ngayon pero kapag nagmahal naman si Oyo ay ibang klase kung saan inihahatid at sinusundo niya sa bahay ang kanyang nagiging nobya. Ganito ang ginawa niya kay Alessandra de Rossi kung saan tumagal lang ng tatlong buwan ang kanilang relasyon pero nanatili pa rin hanggang ngayon ang kanilang pagkakaibigan.

Sa pelikulang Kuya ay girlfriend niya si Aubrey Miles na mas matanda sa kanya. Posible kaya siyang ma-in love sa mas may edad sa kanya?

"Why not basta’t nagkakasundo kami, di okey lang," anang aktor.

Graduate na sa high school si Oyo at kapag nakaluwag na sa kanyang commitment ay gusto rin nitong magtapos ng kolehiyo. Mahilig ding magluto ang aktor gaya ni Danica kaya magkakatulungan silang dalawa kapag nakatapos ang kapatid ng Culinary Arts. Balak nilang magtayo ng restaurant balang araw.
Andrea, Walang Dom
Nakabili na ng bahay si Andrea del Rosario sa BF Homes, Parañaque na galing sa lahat ng kinita niya sa showbiz. Pinabulaanan nito ang tsismis na may DOM siyang mayaman kaya nakabili ng bahay.

Ikinatwiran ng sexy star na inutang niya sa Viva Films ang pang-down payment ng bahay kaya hindi pa ito totally paid. May tatlong malalaking bedrooms ang bahay at mayroon ding servant’s quarter.

vuukle comment

AUBREY MILES

CENTER

KANYANG

KUNG

KUYA

NAMAN

OYO

RAILEY

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with