^

PSN Showbiz

Relasyon ni Aiai at lesbian director, open na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Open na pala ang special friendship nina AiAi delas Alas at Direk Malu Sevilla. As in kahit nakikita sila ng public, wala na silang care kung anong sasabihin ng mga tao.

Last Tuesday kasi, si Direk Malu ang nakita kong nagda-drive ng Jaguar ni AiAi sa vallet parking ng ABS-CBN.

Actually, wala naman akong idea na kotse ni AiAi ‘yung dumarating na Jaguar, kung hindi itinuro ng isang nakatambay na driver. "‘Yan ang Jaguar ni AiAi," sabay turo ng driver sa kotse na paparating. At pagbaba, si Direk Malu ang nakita ko. Ang tagal niya kasi bago bumaba dahil may kinuha pa siyang gamit sa loob ng kotse.

Sabad ng isa pang nakatambay sa may vallet parking: "May driver naman si AiAi pero pag si Ai -Ai ang sakay niyan (sabay turo sa Jaguar), si Direk ang nagda-drive."

Ganoon... Meaning hindi na nila hina-hide ang kanilang ‘relasyon.’

Never pang inamin ni Ai-Ai na sila ng direktor ng Tabing Ilog although sinasabi niyang masaya ang lovelife niya.
*****
Proud mom si Karen Davila sa kanilang 1 year ang 7 months old na anak ni David Sta. Ana. Sobrang daldal na raw kasi ng bagets. Pero wala pa sa plano nilang sundan, mga two years from now pa raw. Preferably, baby girl naman ang gusto niyang second baby. "Pero kahit ano basta healthy, okey lang din naman sa amin," sabi niya.

Anyway, happy si Karen now a days dahil mataas ang rating ng Insider nila ni Cito Beltran against Saksi. As much as possible, ayaw pag-usapan ni Karen ang mga rating-rating na ‘yan dahil feeling niya napaka-unethical. Basta ang importante sa kanya, binibigay niya ang 100% ng kanyang talent and energy para panoorin ang show. Nako-compensate naman dahil nga mataas ang rating nila.

Pero lately napansin kong hindi na sila masyadong lumalabas ni Cito Beltran, wala silang follow-up stories sa malalaking issue. "Very physically draining kasi eh. Hindi lang naman ‘yun ang ginagawa namin. In my case, may Correspondents pa ako," she says sa isang chance interview.

Kainitan ng Oakwood Mutiny nang i-launch ang Insider. Kaya nakakuha sila ng maraming story na na-sustain nila hanggang ngayon.

Kaya lang medyo, mas maiksi in terms of airtime ang Insider compared sa katapat nilang programa na feeling ni Karen ay isa sa mga factor kung bakit nagri-rate ang show nila. "Kasi ang mga tao pagdating nila sa bahay, konting pahinga lang ang gusto, matutulog na agad sila. So mas gusto nilang maiksi lang ang mapapanood nila."

Tapos na kasi sila, ang katapat nilang Saksi may ilang gaps pa.
*****
Magbabakasyon pala si John Estrada sa Magandang Tanghali Bayan. Ayon sa source ng Baby Talk, dadalawin ni John si Vanessa del Bianco sa Canada na balitang preggy.

Pero ano itong tsismis na ngayon pa lang daw ay sinisiraan na ng isang kasamahan niya sa MTB si John kung saan sinasabi raw nitong (maninirang co-host niya sa MTB) na kaya magbabakasyon si John ay dahil nagda-drugs daw ito. Ganoon daw kabigat ang akusasyon ng maninirang ito kay John. Sabi pa raw, pag umalis daw si John ay hindi na raw ito babalik.

Well, what else is new. Ganoon naman talaga itong co-host na ito sa MTB.

vuukle comment

BABY TALK

CITO BELTRAN

DAVID STA

DIREK

DIREK MALU

GANOON

JOHN ESTRADA

KAREN DAVILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with