^

PSN Showbiz

Justin,Gwen bati na

-
Nagkausap at nagkabatian ang dating magnobyong sina Gwen Garci at Justin Cuyugan nang magkasabay silang mag-guest sa taping ng Teysi ng ABS-CBN nitong nakaraang linggo. Nagkagulatan pa ang dalawa na nauwi sa besohan na di naman nagtagal ang pagkikitang ’yon dahil kailangang pumunta sa set si Justin.

Nang makausap namin si Justin ay nagsabing masaya’t natutuwa siya sa nangyayari ngayon sa showbiz career ng dati nitong syota (Gwen) na iniwan niya noon sa Baguio City para hanapin ang kapalaran nito sa Manila. Noong bago pa lamang ang Hot Babes na kinabibilangan ng sexy star ay nagkaroon ng pag-uusap nang matagal sa isang party at naging maayos ang kanilang paghihiwalay bilang magkaibigan na lamang pero nagulat na lang siya nang may naglalabasang masama ang loob ng dating syota at kalat ito sa lahat ng babasahin.

Naintindihan iyon ng aktor at di niya inakusa ang sexy star bagkus, di siya nagpaapekto dahil naniniwala siyang kailangan ng sexy star ng ingay para mapansin sa showbiz. "Gusto lang niya ng publicity at alam kong di niya gusto iyon pero kailangan niya eh. Gusto ko ngang magkapelikula kami eh."

Masaya naman si Gwen sa pangyayari na nagka-usap na uli sila ni Justin at pabor naman siyang gumawa sila ng pelikula pero dapat ay tapatan ng aktor ang kanyang pagpapaseksi sa eksenang romansahan na kailangan hubo’t hubad din siya. "Kaya ba niyang gawin ang gagawin ko? Alam ko ayaw niyang maghubad eh."

Alam ni Gwen na may syota na ang aktor at imposibleng mauwi sa pagbabalikan ang kanilang pagbabati muli. Masaya naman ito sa kanyang lovelife dahil marami raw itong mapagpipilian sa nanliligaw sa kanya ngayon. — AD

vuukle comment

ALAM

BAGUIO CITY

GWEN

GWEN GARCI

HOT BABES

JUSTIN

JUSTIN CUYUGAN

KAYA

MASAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with