^

PSN Showbiz

Lester Llansang froszendelight sa 'Click'

-
Hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin si Lester Llansang, dating child actor at nanalong Best Child Actor dahil sa magaling na performance sa pelikulang Saranggola some 2 years ago, na makakasama siya sa alinmang programa ng GMA 7 kundi man sa Click. Inilunsad na sila noon ng isa pang bagets, si Crystal Moreno, para maging loveteam sa Click. Almost two months na ito, pero hanggang ngayon, di pa siya nakukunan sa naturang programa o kahit anong shows sa GMA-7.

Umaasa pa rin ang kisig Pinoy teener na nagdaos na ng kanyang ika-18th kaarawan noong July 13 na tatanggap siya ng call slip. Katatapos lang niyang gawin ang pelikulang Homecoming na entry sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines 03.

Gustong malaman ni Lester kung magiging isang Kapuso siya ng nasabing network dahil pinapirma naman siya ng kontrata dito. Pwede naman daw na i-release nila siya para makapag-apply naman siya sa iba.

Buti na lang daw at abala rin siya sa kanyang pag-aaral sa isang computer school, at sa mga out of town shows. Kailangan daw niyang patatagin ang kanyang trabaho dahil humiwalay na siya ng tirahan sa kanyang lola at maging sa kanyang manager sapul nang magkaroon sila ng mga aberya at intriga. Masinop na iniipon ngayon ni Lester ang natirang pera niya sa banko na halos masimot noong hindi siya ang nag-aasikaso nito. Wala siyang sama ng loob or hinanakit o pagsisisi, basta magtatapos siya ng kanyang pag-aaral. Kung hindi ukol sa kanya ang showbiz, magtatrabaho siya at magtatayo ng isang business. Lg Celi

vuukle comment

BEST CHILD ACTOR

BUTI

CRYSTAL MORENO

GUSTONG

HANGGANG

INILUNSAD

LESTER LLANSANG

LG CELI

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with