^

PSN Showbiz

Priscilla,binubugbog din ng asawa

- Veronica R. Samio -
Medyo mataba pa si Priscilla Almeda nang makita ko sa launching ng Showgirls: A Dance Concert na ginanap sa Pearl Manila Hotel sa UN Avenue. Isa siya sa limang sexy performers ng nasabing palabas na dumating –Angela Velez, Michelle Bayle, April Tolentino, Geneva Cruz at Angelica Jones. Ang iba ay hindi sumipot.

Aware din naman ang dating bold actress (ayaw na niyang balikan ang ganitong uri ng pelikula dahilan sa may anak na siya) na mataba siya kaya nga panay ang pagdi-dyeta niya. Pero dahil matagal bago niya makita ang resulta nang ginagawa niyang pagpapapayat kung kaya sumasailalim siya sa lyposuction sa isang manggagamot na nagngangalang Dr. Calayag. Nakapagbawas na siya ng taba sa baba, tiyan at mga braso. Sa susunod naman ay pababawasan niya ang kanyang pisngi para magkaroon muli ito ng contour at ang harap ng kanyang mga hita.

Kahit inaamin niya na napakasakit na proseso ang lyposuction, "Para akong nasagasaan nung una kong gawin ito," aniya pero, balak niyang i-resume ang kanyang career kung kaya kinakailangang bumalik sa dati ang pangangatawan niya.

"Hindi naman sa balak kong mag-bold muli. Di na pwede, may anak na ako. Pero, gusto kong mag-artistang muli, lumabas sa mga drama," sabi niya.

Very proud siya na ipakita sa lahat ang larawan ng kanyang 1.7 months old na baby girl na pinangalanan niyang Tippi.

She’s filing for an annulment. Bagaman at sinabi niyang okay na sila ng kanyang asawa na dito siya pinakasalan sa Pilipinas, inamin niyang sinasaktan siya nito. Nagsimula ito nang magbuntis siya.

"Magkaibigan kami for the sake of our child. And yes, he’s supporting Tippi," dagdag ni Priscilla.

Isang comedy ang dance number na gagawin niya sa Showgirls: A Dance Concert na magaganap sa August 30 sa Folk Arts Theater (FAT).

"Inspired ito ng Austin Powers movie, period, nung 70’s and psychedelic," kwento ni Priscilla.
* * *
Mayroon na namang dahilan para magbunyi ang Universal Records na pinamumunuan ni Bella Tan. Isa na namang recording artist nila ang nanalo sa isang prestigious song festival kamakailan lang. Ito’y si Jed Maddela, nanalo ng second prize sa Voice of Asia International Song Festival sa Almaty, Kazahkstan, isang dating state ng USSR.

Labingwalong bansa sa mundo ang nag-participate sa global music event na ito. Si Jed ang naging kinatawan ng Pilipinas. Kinanta niya ang mga awitin ni
Vehnee Saturno, ang "Labis Akong Umiibig", "I’ll Be Around" at "Be My Lady". Napili rin siyang crowd favorite sa three day contest.

Si Jed ay may solo album na ginawa sa
Universal Records. Hindi pa lamang ito nairi-release. Mina-manage siya ng Primeline Inc. na pinamumunuan ni Ronnie Henares. Dalawang taon ang ipinaghintay ni G. Henares para mapapayag siya na imaneho nito ang kanyang career.

Para sa kanyang panalo, binigyan siya ng $3,500 na cash money, isang tropeo at isang napakagandang Balalaika, isang parang
ukulele, bilang souvenir mula sa bansang kanyang pinanggalingan.
* * *
Limang kontemporaryong direktor sa lokal na pelikula ang bibigyan ng pagkilala ng Directors Guild of the Philippines, Inc (DGPI) sa pamumuno ni Joel Lamangan sa kauna-unahan nitong Gawad Direk na magaganap sa gabi ng Agosto 15 sa AFP Theater.

Ang limang direktor na bibigyan ng pagkilala dahilan sa kanilang di mapapantayang mga trabaho at kahalagahan ng kanilang innovations at contributions in filmmaking ay sina Emmanuel Borlaza, Celso Ad Castillo, Ronwaldo Reyes (pangalan ni FPJ bilang direktor), Eddie Romero at ang namayapa nang si Luciano B. Carlos.

Ang Gawad Direk ay isang pagkilala na gagawin ng DGPI sa mga tao sa loob at labas ng industriya ng pelikula na nakapagbigay ng ambag sa edukasyon, appreciation related to film and film advocacies. Sa una ay mga direktor muna ang bibigyan ng tribute pero, sa susunod ay maaaring artista, scriptwriter, cinematographer o maski na movie writer.

Walang limit kung ilan ang bibigyan ng pagkilala at kung gaano kadalas ito ipagkakaloob ng 46 member guild.

Sa unang Gawad Direk, magsisilbing hosts sina Vilma Santos at Boyet de Leon. Si Mark Reyes ang magiging direktor ng palabas.

vuukle comment

A DANCE CONCERT

GAWAD DIREK

ISANG

KANYANG

NIYA

SI JED

SIYA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with