^

PSN Showbiz

Maui, Katya tatapatan ng mga baguhang sina Jeanette at Trina

-
Wala nang atrasan ang plano ng talent manager na si Lito de Guzman na itapat sa dalawang Viva Hot Babes na sina Maui Taylor at Katya Santos ang mga alaga niyang sina Jeanette Joaquin at Trina Shields.

Ayon pa rito kay De Guzman parehong marahas pagdating sa hubaran sina Trina at Jeanette na parehong bida sa pelikulang idinirek ni Direk Arman Reyes titled Kumikirot Tumitibok ng ATB-4 Films.

Si Trina Shield ay enrolled sa UP Diliman ng kursong speech powers, kaya niyang higitan ang ginagawang pagpapa-sexy sa pelikula ni Maui. Sa pelikulang Kumikirot Tumitibok ay isang malditang burgis at taklesang asawa ni Michael Gomez ang role ni Trina.

Samantala, ito namang si Jeanette ay abala rin sa acting workshop bilang paghahanda sa pinasok niyang pag-arte at hindi lamang puro paghuhubad.

Una siyang napansin sa Buko Pandan ng World Arts Cinema na sinundan ng Biyahera mula naman sa FLT Films kasama sina Yda Manzano, Stella L. at Barbara Milano.

Nagtuloy-tuloy ang pagratsada sa pelikula ni Jeanette nang alukin s’ya ng ATB-4 Films para sa proyektong Balat Sibuyas na ang pangunahing bida ay si Halina Perez.

Bumilib sa kanya ang mga prodyuser ng ATB-4 Films na sina Baby Buenaseda at Noli Buenaseda kaya ginawa na siyang bida sa pelikulang Kumikirot Tumitibok.

vuukle comment

BABY BUENASEDA

BALAT SIBUYAS

BARBARA MILANO

BUKO PANDAN

DE GUZMAN

DIREK ARMAN REYES

HALINA PEREZ

JEANETTE

JEANETTE JOAQUIN

KUMIKIROT TUMITIBOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with