^

PSN Showbiz

Daddy ni Anne boto kay Oyo Boy

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Magkasamang umalis sina Anne Curtis at Oyo Boy Sotto papuntang Australia pero hindi lang sila ang magkasabay na umalis kundi kasama rin nila ang daddy ni Anne. Nauna na roon ang mommy at mga kapatid ng dalaga.

Botong-boto kay Oyo ang daddy ni Anne dahil siya mismo ang nag-ayos ng visa ng aktor sa Australian Embassy kaya madaling naayos ang mga papeles. Ipapasyal din ni Mr. Curtis ang aktor sa Australia.

Inalok pala si Anne ng FHM Magazine na mag-pose sa kanila ng naka-two-piece bathing suit dahil maganda ang kanyang katawan at pwede ngang maging sexy star. Pero tumanggi siya sa pag-aalalang magbago ang impresyon sa kanya ng mga tao.

Ayon sa magandang aktres ay hanggang sa pagsusuot lamang siya ng shorts gaya nang isinusuot niya sa Bubble Gang.
Sharon, Sasamang Magbakasyon Kay KC
Abala ngayon sa promosyon ng Walang Kapalit si Sharon Cuneta katambal si Richard Gomez. Nakalinya na ang movie na pagsasamahan nila ni Aga Muhlach titled Kung Ako na Lang Sana at The Crying Lady ng United Films. Kailangang matapos niya ang tatlong pelikula dahil gusto niyang magbakasyon by July kasama si KC Concepcion na bakasyon din sa kanyang klase.
Sex Bomb Girls, May Solo Major Concert
Hindi na talaga maabot ang Sex Bomb Girls dahil sa dami ng kanilang mga shows. Halos sunud-sunod ang mga ito lalo na sa buwan ng Mayo. Mayroon sila sa Mayo 30 sa Cuneta Astrodome na prodyus ng Philippine Military Academy (Class ’77) sa pamumuno nina P/S Supt. Orlando Pestaño at Col. Armando Taluban. Ito’y dalawang oras na show ng Sex Bomb Girls kung saan magiging guest nila si Janno Gibbs at ang Power Image at Glamour Boys.

Ang concert for a cause ay gagawin para sa mga indigent co-PMA-er na nangangailangan ng suportang pang pinansyal gayundin para sa kanilang scholarship program.

Over-all coordinator si Jessie Engson at sa direksyon ni Louie Guarin. Ang ticket ay mabibili sa halagang 1,000; 500; 300 at 200 sa SM Ticketnet.
Dingdong-Toni, Tuloy Pa Rin Ang Relasyon!
May mga sumulat sa akin at nagtatanong kung bakit hindi pa rin mamatay-matay ang tsismis tungkol kina Dingdong Dantes at Antoinette Taus. Sino pa sa mga leading ladies nito ang talagang nililigawan ng aktor?

"Lahat naman sila ay gusto ko. Si Tanya Garcia ang pinaka-close sa akin ngayon dahil every other day kung magkita kami. Komportable naman ako kapag kasama ko si Regine Velasquez dahil mas type ko ang older women. Kahit ngayon lang kami nagkasama ni Jolina Magdangal na leading lady ko sa Walang Makapipigil ay nakagaanan ko na agad siya ng loob dahil mabait siya. Pero sa lahat ng leading ladies ko pinakagusto ko pa rin si Toni dahil matagal na kaming magkaibigan at dahil sa sobrang closeness namin ay hindi maiaalis na i-link kami sa isa’t isa kung saan balitang tuloy pa rin ang aming relasyon," sey ng gwapong actor.
Jojo V. May Hinanakit Sa Produ
Masama ang loob ni Jojo Veloso (nang tumawag sa amin) sa prodyuser ng El Niño Films dahil maganda ang naging usapan nila tungkol sa screentest ng kanyang alagang si Arianne Espina na ipakikilala sa Kikay. Hindi nito sukat akalain na paghuhubarin nang todo-todo sa pelikula si Arianne. Sinabi pa rin ng manager na pinilit na papuntahin sa presscon ang kanyang alaga kahit wala itong ka-make-up-make-up.

"Noong una ay laking pasasalamat ko kay Mila Pascual dahil sinabing sa susunod na proyekto ay second lead na ang aking alaga" aniya.

Pakiramdam ni Jojo ay naisahan siya ng produ dahil nagkalat ang mga sexy photos ni Arrianne sa pelikulang Kikay na dapat ay kay Maye Tongco ipinaubaya.
Blind Item: Feeling Sikat Pa Rin Ang Seksing Akters
Nakita namin ang dating sikat na sikat na sexy star sa Boracay kung saan ngayon ay pangsuporta na lang ang kanyang beauty. Naka-shades ito nang malaki na halos ikubli ang magandang mukha pero nakilala pa rin siya ng mga tao. Halos patakbo itong naglalakad kasama ang baklang dyulalay na nagmamadali rin sa pagsunod sa kanya.

Feeling sikat pa rin ito dahil akala ay pagkakaguluhan siya ng mga tao. Nang tawagin ang pangalan nito ng ibang tao ay ni hindi man lang lumingon o ngumiti at tuluy-tuloy sa paglakad. Naging kontrobersyal ang sexy star nang mapaugnay noon sa isang basketbolista.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANNE CURTIS

CENTER

DAHIL

RIN

SEX BOMB GIRLS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with