^

PSN Showbiz

Jolina sunod-sunod ang movie

-
Sunud-sunod ang magagandang pagkakataong dumating kay Jolina Magdangal isa na rito ang tagumpay ng kanyang grand concert na ginanap sa Araneta Coliseum.

Sinimulan na ang syuting ng kanyang pelikula sa bakuran ng Viva Films, ang Anak ni Annie Batungbakal. Makakapareha ni Jolens sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera. Dahil masyadong abala si Jolina sa kanyang mga schedules, may posibilidad na hindi kaagad matatapos ito. Ganoon din naman si Direk Louie Ignacio na masyado ring abala sa mga programang pang telebisyon at maging pelikula nang muling pagtatambalan nina Christopher de Leon at Regine Velasquez na kasalukuyan ding sino-shooting niya.

Ayon naman kay Daddy Jun, sisimulan na rin daw ang pelikula ni Jolens with FPJ sa darating na Hulyo. May posibilidad pa raw na baka mauna pa itong matapos kanya sa Anak ni Annie Batungbakal. Wala naman daw problema rito.

Binabalak ni FPJ na ang pelikula nila ni Efren "Bata" Reyes at ni Jolina ay gawing anniversary presentation ng FPJ. (Ulat ni Luz Candaba)

vuukle comment

ANAK

ANNIE BATUNGBAKAL

ARANETA COLISEUM

DADDY JUN

DINGDONG DANTES

JOLENS

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JORDAN HERRERA

LOUIE IGNACIO

LUZ CANDABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with