^

PSN Showbiz

May dapat bang katakutan si Jordan Herrera

- Veronica R. Samio -
Wala si Jordan Herrera sa presscon ng Gamitan, ang launching movie ni Maui Taylor at bale launching na rin niya dahil introducing siya sa movie. He should have been there para mabigyan ng karampatang exposure and promotion. Kaso nga, wala siya. Si Maui lamang ang naroroon at si Wendell Ramos.

Ang sabi, umuwi siya ng Bulacan bagaman at marami ang naniniwala na umiiwas lamang siya na matanong ng press sa napakaraming isyu na ikinukulapol sa kanya ngayon. Gaya ng sinasabing relasyon niya sa ilang bakla. Ganun din ang sinasabing napaka-ispesyal na relasyon nila ng dating singer at ngayon ay isang matagumpay na negosyante na si Jojit Deniro. Of, course, Jojit has come out with his side of the coin and even requested the press to be kind to Jordan and give him a chance to succeed in his career.

And when some of the press, kasama na ako, are convinced na baka unfair lamang kami sa showbiz newcomer, here comes a call na nagsasabing wala sa Bulacan si Jordan. Nakita itong pumapasok sa kanyang condo unit sa Makati.

May itinatago nga ba si Jordan? May dapat nga ba siyang katakutan?

Maraming magagandang pagkakataon ang pinakakawalan niya. Gaya ng isang magandang role sa pelikula ng Viva na magtatampok kay Jolina Magdangal, ang Annie Batungbakal. Ipinatawag daw siya ng Viva para dito pero hindi siya sumipot.

Sa launching ng Power Boys, dating Rexona Boys, ang grupo na kanyang kinabibilangan, ay may nagsabing inaalok sila ng 3-year-3 picture contract ng Star Cinema pero paano ang kanyang pinirmahang 6 picture contract sa Viva? Heard, too, na gustong bilhin ng Star Cinema ang kanyang kontrata sa Viva pero tumanggi ang nasabing film outfit. Ito ay sa kabila ng pangyayaring nahihirapan na silang bigyan ng damage control ang mga isyu kay Jordan. Tsk. Tsk. Tsk.
* * *
Inalok din daw ng ABS-CBN si Willie Revillame na muling lumabas ng MTB pero sinabi ng manager nito na si Wyngard Tracy na pag-iisipan muna nila. Naniniwala ang manager na magiging abala na si Willie sa bago nitong public service show, ang Willingy Yours at baka maintriga pa itong lalo kapag nag-absent ng MTB dahil sa WY. Hindi pa raw nagsisimula ang WY pero may intriga na agad na lumabas kay Willie na nagsasabing nag-walk out siya sa taping nito. Syempre, deny ang manager dahil hindi raw ito totoo at hindi nila alam kung saan nanggaling ang balitang ito.

Malaki ang natutunan ni Willie sa loob ng isa at kalahating taon na nawala siya sa showbiz. Naniniwala siya na kahit sumikat siyang muli ay hindi na siya magiging mayabang pa na tulad ng dati.

"I have learned the value of humility and friendship. Alam ko na ang limitasyon ko. Nawalan lang ako ng guidance nun," paliwanag niya.

Magsisimula nang mapanood ngayong hapon ang Willingly Yours, 5:30 ng hapon sa ABS-CBN 2, bago ang Magandang Gabi Bayan.
* * *
Kaya naman pala walang panahon si Jolina Magdangal na harapin ang mga intriga na dumarating sa kanya ngayon ay totoo nga palang napaka-hectic ng kanyang sked. "Mas maraming mahalagang bagay na dapat pagkaabalahan. Tama na yang intriga. Hindi naman ito nakakatulong sa akin," anang magandang ehemplo ng mga kabataan ngayon.

Sa buwang ito ay apat ang tinanggap niyang awards: Medal of Honor as Youth Role Model mula sa National Youth Day Committee at KASAMA; isa pang Youth Role Model mula sa GSIS; Exemplary Award for Academic , Entertainment at Civic Achievement mula sa PUP, College of Communications at Youth Role Model and for Exemplary Service in Support of the Government’s Nutrition Program mula sa Office of the President’s Cultural Affairs Committee.

Wala talagang room para magalit si Jolina. Idagdag mo pa rito ang mas gumaganda pa niyang career.

vuukle comment

ANNIE BATUNGBAKAL

BULACAN

CIVIC ACHIEVEMENT

COLLEGE OF COMMUNICATIONS

CULTURAL AFFAIRS COMMITTEE

JOLINA MAGDANGAL

SIYA

STAR CINEMA

YOUTH ROLE MODEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with