^

PSN Showbiz

Piniling maging Japayuki kaysa maging artista

-
Ang ganda ngayon ni Digna Morena, ang actress na parating kasama noon sa action films. Natatandaan ba n’yong bini-build up siya ng Vic-A Films noong araw? Hindi nga lang natuloy ang pagiging action star ni Digna dahil nagpunta siya ng Japan. Nag-model siya roon ng iba’t ibang kasuotan.

Kumakanta rin siya. Kararating lang ni Digna galing sa ibang bansa at naisipang makipagkita sa ilang kaibigang press. Ibang-iba na si Digna ngayon. Nakapagtayo na siya ng apartment na limang doors.

Ang problema lang, yung isang ipinagagawa niya, itinakbo ang pera kaya’t nabitin. Pero ngayon ay itutuloy na niya. Nasa korte na ang problemang ito na hawak ng kanyang abogado. Sabi nga ni Digna, mahirap daw palang ipagkatiwala ang pera, kahit sa kaibigan mo. Ngayon ay may mga nag-aalok sa kanyang magbalik pelikula.

"Pero, baka hindi pumayag ang Papa ko. Gusto niya magnegosyo na lang ako. Siguro sa ibang araw, kapag pinayagan niya ako," kwento ni Digna.— Vir Gonzales

vuukle comment

DIGNA

DIGNA MORENA

IBANG

KARARATING

KUMAKANTA

NAKAPAGTAYO

NATATANDAAN

PERO

VIC-A FILMS

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with