^

PSN Showbiz

Bastos ang young actress!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Madaling gumawa ng pangalan ang aktres na ito na lumalabas na bida at kontrabida sa pelikula. Inilunsad na siya sa pagiging ganap na bituin dahil may potensyal sa acting.

Pero, kwento ng aking source na bastos pala ang bunganga ng aktres na ito dahil nakakapagbitiw ito ng salita sa ilang malalapit na kaibigan. "Wala na nga akong puwit dahil sa sobrang pakikipag-sex." Minsan ay nakaringgan siya ng aking source.

Kung tutuusin noon pa napapabalita na nakipag-live-in ito sa ilang taga-showbiz at non-showbiz men dahil sa pagiging liberated nito.
In & Out Sa Year Of The Horse
Habang naghihintay kami sa press visit ay nagkakwentuhan kami ng mga press people kung sino sa mga artista natin ang hahataw sa taong papasok-Year of the Horse at yung mangungulimlim na ang career.

In pa rin ang beauty nina Rica Peralejo at Assunta de Rossi at out na sina Rosanna Roces, Joyce Jimenez at Ara Mina. Papalitan na sila ng mga bagong sibol na seksing kagandahan.

In pa rin sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual kahit mabuwag pa ang kanilang tambalan. Hindi makakaapekto sa aktor ang pagbitiw niya sa manager kahit naiintriga ito lately.

Out na si Angelu de Leon sa pagiging bida at suporta na lang ito. In si Angelika dela Cruz lalo pa at ibi-build up siya ng husto ng Viva Films at pambato ng Syete.

Out na si Sunshine Dizon at in naman si LJ Moreno dahil versatile itong aktres kung saan pwedeng maging kontrabida at pwede ring bida.

In pa rin si Jolina Magdangal at raratsada pang lalo ang singing career nito gayundin si Pops Fernandez.

Raratsada pa rin nang husto si Regine Velasquez sa pelikula at pagiging diva.

In pa rin si Vilma Santos dahil baka humakot ng award ang Dekada ’70 na magri-resume na ang syuting.

Out na si Maricel Soriano lalo pa at hindi yata maganda ang rating ng kanyang TV show-Mary the Potter. Wala pa rin siyang follow-up movie.

Sa mga kabataang artista ay in sina Carlo Aquino, John Pratts at Stefano Mori. In din si Dingdong Dantes bilang artista at TV host.

Sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ay in pa rin at mabenta pa rin ang kanilang soap opera.

In sa taong papasok si Dina Bonnevie sa pelikula at telebisyon. Magaling kasi siyang artista at hanggang ngayon ay maganda pa rin at sexy.

Sa mga action stars ay in pa rin si Cesar Montano pero out na si Phillip Salvador. Taon din ni Ronald Gan ang Year of the Horse.

Sa movie company ay in pa rin ang Regal, Viva, Star Cinema, Solar Films at karagdagan ang MMG Films.
Beth, Magtatayo Na Rin Ng Negosyo
Hindi magkasama ngayong Pasko at Bagong Taon sina Beth Tamayo at ang nobyo nitong mayor ng Bogo, Cebu. Ayon sa aktres, naroon siya sa piling ng kanyang magulang. Pero stable pa rin ang kanilang relasyon. Binigyan siya ng kanyang nobyo ng mamahaling relo.

Sa taong papasok ay balak ng magandang aktres na magtayo din ng negosyo na nauukol sa pagkain o kaya’y kumuha ng franchise ng Clothes 9. Na-shelved na ang pelikula niyang Bay Angels kaya umaasa na sana’y makagawa pa ng movies. Ipalalabas naman ang Japino ng MMG Films kaya magiging abala si Beth sa promosyon nito by January.

Kahit walang pelikula ay abala naman siya sa paglabas sa telebisyon kung saan mainstay ng Tabing-Ilog at Tropang Pinoy.
Bagong Taon, Bagong Pag-Asa
Sana ay maging mapalad ang Year of the Horse sa ating bansa at magbago na sana ang ekonomiya natin. Higit sa lahat gusto kong mapairal ang disiplina mula sa opisyales hanggang sa mamamayan para maging maunlad ang ating bansa.

Sa movie industry naman sana’y sumipa sa takilya bilang Year of the Horse ang mga pelikula natin at magbalik-siglang muli ang ating industriya. Iwasan na sana ang inggitan sa ating kapwa lalo na sa showbiz at ipagpasalamat ang anumang biyayang natatanggap natin. Dapat ay kuntento na tayo sa kung anumang ibibigay sa atin nang Nasa Itaas at huwag ikumpara ang ating sarili sa iba lalo na pagdating sa lifestyle. Doon kasi masisira ang ating ugali. Kung nagtatagumpay ang mga kasamahan natin sa hanapbuhay ay ikatuwa natin at ibayong sikap naman ang gawin natin para maging matagumpay tayo sa buhay.

vuukle comment

ARA MINA

BAGONG PAG-ASA

BAGONG TAON

BAY ANGELS

BETH TAMAYO

CARLO AQUINO

CESAR MONTANO

RIN

YEAR OF THE HORSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with