^

PSN Showbiz

Young actress, ayaw magpahawak ng boobs!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Gumagawa ng malaking pangalan ang young actress mula ng magbago ng image. May nobyo ito at kahit na matagal na ang kanilang relasyon ay hindi naman ito nabuntis. Paano naman siya mabubuntis kung yun ngang boobs niya ay hindi niya pinahahawakan? Makasisira raw sa kanyang katawan pag hindi na maganda ang boobs dahil puhunan niya ito sa trabaho.

Ratsada sa paggawa ngayon ng pelikula ang seksi at magandang aktres kung saan bida na ito.
Hanna, May Award Sa Canada
Dumating na si Hanna Villame mula sa Canada kung saan nagkaroon siya ng series of shows. Mag-isa lang siyang umuwi dahil nagtuloy pa sa Florida ang kanyang ina para samahang magpagamot ang amang si Yoyoy Villame.

‘‘Masaya at successful naman ang aming shows. May mga na-cancel dahil sa nangyari sa World Trade. Nabigyan din ako ng award sa Canada ni Mr. Felix Magado bilang Most Promising Entertainer na itinaguyod ng MVM Productions. Babalik na ako next week sa Lunchbreak,’’ aniya.

Inamin din ni Hanna na lay low muna ang kanyang lovelife. Career muna at naiintindihan naman siya ng bf na si Ronald Gan.
Gov. Lito, Humihingi Ng Suporta Para Sa Anak
Sa presscon ng Dugong Aso ay feel na feel namin ang pagmamahal ni Gob. Lito Lapid sa anak na si Mark kaya nilalapitan nito ang mga manunulat sa bawat mesa sabay sabing ‘‘tulungan n’yo si Mark.’’ Matagal nang pangarap ni Mark na mag-artista at lumabas sa action films gaya ng kanyang ama pero hindi siya pinahintulutan noon dahil gusto ng kanyang ama na tapusin nito ang pag-aaral. Tinupad naman niya ang pangako kaya nakatapos ito ng Business Management sa Angeles University Foundation.

‘‘Mas magaling sa akin si Mark bilang baguhan lalo na sa pag-arte. Kung ire-rate ko siya as newcomer ay bibigyan ko siya ng 80%,’’ pahayag ng actor.
Imelda, Balik-Recording
Isa si Imelda Papin sa paborito kong imbitahin sa mga out-of-town shows dahil propesyonal siya at maganda pa ang PR.

Natutuwa ako dahil balik-recording na naman siya at sa pagkakataong ito ay sa Universal Records siya gumawa ng album. Nakatapos na siya ng dalawang album. Unang na-release ang "Nag-iisang Imelda."

Abala siya ngayon sa kanyang milk feeding program sa Bicol. Sinabi niya na malapit sa kanyang puso ang mga bata kaya prioridad niya ang proyekto.

vuukle comment

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

BUSINESS MANAGEMENT

DUGONG ASO

HANNA VILLAME

HUMIHINGI NG SUPORTA PARA SA ANAK

IMELDA

IMELDA PAPIN

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with