^

PSN Showbiz

Coritha - Artista na ba sa pelikula?

-
Pinasukan na rin ni Coritha ang pelikula bilang mang-aawit at kompositor ng mga theme songs. Siya ang pinili ng World Arts Cinema na kumanta ng theme song ng kanilang pelikulang Buko Pandan na dinerihe ng tanyag na direktor ng telebisyon na si Uro dela Cruz. Ang awiting pinamagatang "Babalik Muli" ay nilikha ni Blitz Padua, ang musical director ng nasabing pelikula at ito'y ipalalabas bilang MTV sa lahat ng mga sinehan sa buwang ito. Si Coritha rin ang inatasan ng World Arts Cinema na gumawa ng theme song ng susunod nilang pelikula ang Sana'y Totoo Na. Ito'y kakantahin bilang duet ng mga pangunahing artista na si Tonton Gutierrez at Glydel Mercado at si Coritha naman ang kakanta ng solo version para sa pelikula. Sa mga hindi nakakaalam, si Coritha ang lumikha at umawit ng mga theme songs ng dalawang pelikula ng prinodyus ng Regal Films noong nakaraan taon. Ito ang Init ng Laman ni Sunshine Cruz at Capt. Fidel Jimenez–Magsubukan Tayo na pinagbidahan ni Lito Lapid.

vuukle comment

BABALIK MULI

BLITZ PADUA

BUKO PANDAN

CORITHA

FIDEL JIMENEZ

GLYDEL MERCADO

LITO LAPID

MAGSUBUKAN TAYO

WORLD ARTS CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with