^

PSN Showbiz

Mayor Joey, ayaw payagang mag-artista ang anak

-
Gusto raw mag-artista ng anak na babae ni Mayor Joey Marquez kay Brenda del Rio at naiintriga na nga ito dahil hindi raw pabor si mayor na ito ay pumasok sa showbiz. Pero ipinagwawalang-bahala lang ito ni Brenda dahil wala na raw pakialam si Joey sa kanila. Pero pasasaan ba at showbiz din ang pupuntahan ng mga anak ng mga artista? Artista na ang mga anak ni Nora Aunor na sina Ian at Matet de Leon at kung hindi lang pinili ni Lotlot de Leon ang maging full-time housewife kay Ramon Christopher, siguro bongga ngayon ang kanyang career. Ini-launch na ang singing career ni Karylle na anak ni Zsazsa Padilla sa kanyang first husband at di kataka-takang mag-artista rin ito dahil maganda, matalino at may personality.

Hinihintay na ng local showbiz ang pagpasok ni KC Concepcion at Lucky Manzano sa active filmmaking at sa tindi ng interes ng local entertainment sa dalawa, di siguro magtatagal at susuko rin ang dalawa sa kamay ng popularidad. Si KC ay image model na ngayon ng isang clothing line at papasok na rin sa teatro sa pamamagitan ng isang leading role sa The Little Mermaid na mag-uumpisa sa August. Hanggang doon lang daw muna ang pagpayag ni Sharon at malayo pa sigurong mangyari na bigyan niya rin ng permission si KC na mag-artista in the near future. Balita ay inihahanda na rin ang isang pamangking lalaki ni FPJ, anak ng late brother niyang si Andy Poe, upang maging isang prime action star. Third generation Poe na ito kung sakali.

Kapansin-pansin din na marami, kung hindi lahat, sa mga action kings ang second generation showbiz talents tulad nina Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Zoren Legaspi, Robin Padilla at maging si Lito Lapid ay galing din sa pamilyang pelikula. Ang mga anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa ay nag-aartista na rin, maging ang anak ni Mark Gil na si Gabby Eigenmann. Nakikita na sa mga TV commercials ang mga anak ni Jackielou Blanco at Ricky Davao. Ang mga anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto na sina Danica at Oyo Boy ay binabato na rin ng maraming intriga at may sarili na rin silang mga TV shows na nilalabasan regularly. Si Ciara Sotto ay matagal-tagal na rin namang nasa showbiz. Inaasahang mag-aartista rin si Borgy Manotoc na anak ni Imee Marcos at isang in-demand commercial and ramp model ngayon.

vuukle comment

ANAK

ANDY POE

BONG REVILLA

BORGY MANOTOC

BRENDA

CIARA SOTTO

DINA BONNEVIE

GABBY EIGENMANN

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with