Mas bagay sa showbis si Kris
June 6, 2001 | 12:00am
Kay bilis namang natapos at naapektuhan ang Balitang Kris ni Kris Aquino. Biktima rin yata ito ng ratings war. Cartoon na nga lang ang katapat ng Balitang Kris ay hindi pa nga raw satisfactory ang rating ng show na ipinalit sa show ni Korina Sanchez nang ito ay mai-promote sa slot ni Noli de Castro sa TV Patrol.
Bale ang Balitang Kris ang dating pre-programming ng TV Patrol pero ngayon ang pre-programming ay ang early editions ng kanilang mga programang Pipol, True Crime, The Correspondents, Mission X, Verum Est na ang ilan ay mga 30 minute version ng kanilang late night public affairs programs.
Ang closing special nga ni Kris sa Balitang Kris ay tungkol sa mga balitang may kabuluhan at may puso pero halata namang her heart is not in the kind of format which needs a lot of personal research and personal knowledge of the subject matter para maging interesado ang manonood.
Siguro sa Kris And Tell mas ganado si Kris dahil may pagka-showbis ang programa na bagay na bagay ang style at damdamin ni Kris–yung trivia, tsismis, konting intriga, at mga travel at believe-it-or-not items. Hindi bagay kay Kris ang tungkol sa mga malalalim na issues tulad ng political analysis, social commentaries at current affairs. Hindi niya type ang mga ganitong heavy material. Talagang pang-showbis si Kris.
Tatlong taon ang ibinibigay na taning ni Kaye Abad sa showbiz at career niya. Kapag hindi pa raw niya na-achieve ang mga pangarap niya within that time malamang na iwan na niya ang showbiz at mag-concentrate na lang siya sa ibang bagay.
"I’m giving myself three years. Pag wala pa talagang nangyari, baka mag-decide na akong tumigil sa pag-aartista at asikasuhin na lang ang studies ko and eventually find a stable job. Ang tagal ko na rin naman sa Talent Center. Kung hindi talaga para sa akin, bakit kailangang ipilit, di ba? Mahirap na gumagawa ka ng isang bagay na alam mong hindi ka rin naman magbe-benefit sa bandang huli," pahayag ni Kaye.
Aminado ang morenang youngstar na hindi sa mga katulad niya nakatuon ang atensyon ng mga producer ng mga programa ng Channel 2 kundi sa mga mestisang artista.
"Hindi kasi ako mestisa. Hindi ako katulad ng iba riyan. Siyempre, pag mestisa ka, mas maraming naga-idolize sa ’yo at humahanga, kaya sa palagay ko mas nando’n ’yung focus nila.
"Ang mga tao kasi, ang gusto nila, ’yung mas maganda sa kanila, mas sosyal sa kanila. ‘Yon yung point of view nila sa pagpili ng iidolohin. Let’s face it, kahit saksakan ka ng galing sa pag-arte, pag ordinaryo lang ang face mo, hindi ka pa rin nila ganu’n papansinin," sabi pa ni Kaye.
"Pero hindi naman ako naghihinanakit. Tanggap ko ’yon. Hindi ako nagrereklamo or something. Positive pa rin naman ako na meron ring magandang mangyayari sa career ko," paliwanag pa niya.
Kakaiba ang ganda ni Kaye nitong mga nagdaang araw. May pagbabago sa mukha niya. Totoo nga kayang nagparetoke siya ng ilong? "Uy, hindi no!" tili agad niya. "Magaling lang siguro ’yung nag-make-up sa akin kaya nag-iba ’yung itsura ko.
Wala ring balak magpadagdag ng boobs si Kaye kahit pa sabihing kakailanganin niya ito kung saka-sakaling magpapalit siya ng image. – Leo Bukas
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
























