^

PSN Showbiz

Pikon na si Wowie

-
Masaya si Wowie de Guzman na muli niyang nakasama sa pelikula ang dati niyang ka-loveteam na si Judy Ann Santos. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Luv Text na initial presentation ng Maverick Films.

"Matagal na ring pinanabikan ng mga fans na makita ulit kami sa pelikula kaya ngayon na ‘yung chance nila na mapanood ulit kami sa isang pelikula," bungad ni Wowie.

Habang ginagawa nila ang Luv Text, hindi na umasa si Wowie na muli silang magkakabalikan ni Juday.

"I don’t want to expect. Masaya na kami pareho ni Judy Ann bilang magkaibigan. Hindi na rin namin ini-expect na magiging kami ulit. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon," tugon pa niya. At tungkol naman sa pagiging unprofessional daw niya, pamimik-up niya ng babae sa mga cheap na bars sa Timog at kung anu-ano pa.

"Alam n’yo, pagod na pagod na akong mag-explain. Bahala na lang sila kung anong gusto nilang isipin. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanila dahil wala naman silang nagagawang mabuti sa buhay ko.

"Ang sa akin lang, huwag nila akong pakialaman. Nakakapikon na kasi, eh. Ayaw nila akong tantanan. Explain ako nang explain, pero parang balewala rin naman," sabi pa ulit niya.

"Kung anu-ano pa ‘yung mga balita na hindi ko na minsan ma-take. Kahit sabihin ko sa sarili ko na dedmahin na lang ang lahat ng mga naririnig ko, minsan, nakakapikon na rin talaga lalo na kung puro tungkol do’n ang itinatanong nila sa akin," seryoso pa niyang pahayag.

"Maraming mga projects na dapat sana’y napunta kay Wowie kung hindi niya pinabayaan.

"Ayoko ng mag-explain. Bahala na lang silang mag-isip kung anong gusto nilang isipin," galit pa rin niyang reaksyon.

Incidentally, kasama rin si Wowie sa pelikula ni Ace Vergel sa FLT Films, ang Carta Alas: Huwag Ka Nang Humirit na ipapalabas ngayong katapusan ng May. Nangako si Wowie na tutulong siya sa promo ng pelikula para mabura sa isip ng iba ang pagiging unprofessional daw niya.

vuukle comment

ACE VERGEL

BAHALA

CARTA ALAS

HUWAG KA NANG HUMIRIT

LUV TEXT

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with