^

PSN Showbiz

Gil, ginawan ng kanta si Karylle

-
Sa wakas ay nagkita at nag-usap na nang personal ang international pop star na si Gil at ang mabilis na sumisikat na local girl sa music na si Karylle, ang anak ni Zsazsa Padilla. Si Gil ay nagbabakasyon dito sa Maynila kasama ang kanyang ama at para na rin mag-record ng kanilang duet titled "Callin" na isasama sa debut album ni Karylle from Universal Records.

Nakilala si Karylle ng pop idol nang magpadala ng photo ang dalaga ni Zsazsa noon sa Germany at nang marinig ni Gil ang magandang boses ni Karylle sa telepono ay agad na- inspire ang pop star at dito niya na-compose ang awiting "Callin". Nakarating ito sa kaalaman ni Bella Tan, general manager ng Universal Records at naisipan niyang gawan sila ng duet.

Tapos na rin nilang i-shoot ang music video ng "Callin."

Siyanga pala, ang debut album ni Karylle na "Time To Shine" na may carrier single na "Angel Of My Heart" ay iri-release na next month.

Ngayong Linggo ay nasa SOP si Gil at mamayang hapon, 5:30 ay sa SM Megamall naman siya. Sa darating na Martes ay uuwi na silang mag-ama. Happy trip na lang sa inyo and thank you for your kindness.
* * *
Bagama’t sunud-sunod ang mga awards night natin ngayon, parang wala naman itong saysay dahil nasasapawan ito ng isyung pampulitika. Parang nawala na rin yung excitement ng mga awards night.

Bilang presidente ng KAPPT, tinatawagan ko ng pansin ang mga direktor at mga artista na sana’y magpulung-pulong tayo at pag-usapan natin ang mga problema ng industriya. Sana’y mabigyan natin ng lunas ang mga problemang kinakaharap ng mundong ating ginagalawan.
* * *
Sa tingin ko, hindi makaka-grandslam si Jeffrey Quizon bilang best supporting actor sa taong ito dahil malabo siyang manalo sa Film Academy of the Philippines. Isa sa mga dahilan ay hindi siya official member ng Film Academy. Karaniwan itong problema tuwing dumarating ang ganitong pagkakataon sa mga baguhang artista. Sana ay pag-usapan naman dahil iisa lang naman ang mundong ginagalawan natin at deserving naman talaga si Jeffrey na maka-grand slam.
* * *
Maraming mga fans ang naghahanap sa akin kay Billy Crawford dahil malimit nga nila itong makita sa Pop Cola commercial kasama si Cris Villongco. Busy si Billy sa paggawa ng kanyang album. Talagang binubusisi ng kanyang manager ang tungkol dito. Pero huwag kayong mag-alala dahil nangako naman siyang ipapadala sa akin agad ang musical video nito oras na matapos ito.

ANGEL OF MY HEART

CALLIN

GIL

KARYLLE

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with