^

PSN Showbiz

Rufa Mae sa Star City

-
Ang sexy star na si Rufa Mae Quinto ang siyang magbubukas ng Summer Season ng Star City sa Biyernes, Pebrero 16, sa ganap na ika-anim ng gabi. Makakasama ni Rufa Mae sa pagputol sa ceremonial ribbon ang pangulo ng Star City na si Atty. Hadrian Arroyo.

Pagkatapos ng ribbon cutting, si Rufae Mae ay makikipag-pose sa mga fans at pipirma ng autographs.

Sa taong ito, maraming mga bagong makikita sa summer season ng Star City. Mas pinalawak pa nila ang shopping area kung saan ang mga magtutungo roon ay makakabili ng mga murang damit, panregalo at mga novelty items, at dahil sa ang Star City ay bukas mula Biyernes hanggang Linggo mula alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-dose ng gabi, maaari pa ring makapag-shopping ang mga taong magtutungo sa Star City sa mga oras na ang mga malls ay sarado na. Mayroon ding malawak at ligtas na parking sa Star City.

Bukod diyan, ipagpapatuloy ng Star City ang kanilang nakagawian nang Summer Dance Showdown kung saan naglalaban-laban ang mga amateur dance groups mula sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Magkakaroon din ng mga concerts ang inyong paboritong recording stars at may mga pagkakataong makakasama ninyo ang inyong mga paboritong artista sa telebisyon at pelikula sa kanilang fans’ day.

Ang Star City ay nagbaba pa ng halaga ng ride all you can tickets, at para sa mga estudyante, puwede ang ride all you can sa halagang isandaang piso lamang.

Maraming katuwaang naghihintay sa inyo sa Star City simula sa pagbubukas ng Summer Season sa Biyernes.

vuukle comment

BIYERNES

CITY

HADRIAN ARROYO

STAR

STAR CITY

SUMMER SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with