^

Punto Mo

Testigo vs Galas cop, hina-harass!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MASALIMUOT at malalim pala itong kaso ng pulis sa Galas police station sa Quezon City. Ito pala ay away ng mga pulis at mga testigo, at kasama na ang asawa ng nahuling lalaki sa fabricated charges. Ang malinaw ay wala palang nangyaring sugal na cara y cruz. Makikita naman sa video na walang pitsang ebidensiya sa tabi ng dalawang nahuling lalaki. Subalit sa picture, may pitsa na. Ang video at picture ay ginamit na ebidensiya ni SSgt. Jay upang makasuhan ang pulis na si PEMS Joseph sa Ombudsman. Purbidang yawaahhhhh! Hayan, maliwanag mga kosa ha? Walang cara y cruz kundi gawa-gawang istorya para ipahamak si PEMS Joseph. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kaso na isinampa ni SSgt Jay, ginamit ang civilian asset niya na si alyas Lisa bilang saksi. Kalaunan ay pinasinungalingan ni alyas Lisa ang kuwento ni SSgt. Jay at umamin na napilitan lang siyang pumirma sa prepared statement at nabigyan pa siya ng pera. Pinatotohanan din ng isa sa mga kinalawit, pati ng kanyang buntis na ka-live-in, ang illegal na pag-aresto sa kanila. Nang makarating ang sitwasyon kay ex-QCPD chief at ngayon ay PRO5 director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio sinibak naman agad sa Galas si SSgt Jay. Kaya lang, na-retain pa ang mga “bataan” ni SSgt. Jay sa Galas at sila na sa ngayon ang nang-ha-harass kina Lisa at ang magka-live-in partner n’ya. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nagsampa na rin si alyas Lisa ng mga kriminal at administratibong kaso sa Ombudsman laban kay SSgt. Jay. Sumama na din sa kaso ang isa pang kinalawit ng tropa ni SSgt. Jay. Araguyyyyy! Pero hindi natapos dito ang kuwento mga kosa. Ang mga pobreng biktima ay nakararanas pa rin ng patuloy na panggigipit sa kamay ng mga bataan ni SSgt. Jay. Halos maya-maya ay iniikutan ng mga bataan ni SSgt. Jay ang bahay nila Lisa at ang isa pa sa kinalawit nila kaya’t halos hindi sila makalabas sa takot at makapag-trabaho ng maayos. Sa sitwasyon na ito, apektado ang pang-araw-araw na pangangailangan nila, lalo na sa aspeto ng pagkain at maging sa kalusugan at emosyonal na kalagayan nila. Tsk tsk tsk! Paging QCPD director Brig. Gen. Christopher Olazo Sir? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sana makuha pa sa maBOTEng usapan ang sigalot na ito. Nadamay tuloy ang pasugalan ni alyas Yero sa mga patay sa Bgy. Tatalon. Ayon sa komento ng isang kosa ko, itong si Yero ay isang pulis din? Abayyyyy humahaba ang istorya ha. Abangan!

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with