Itinama ng siyensiya ang mga maling paniniwala
July 10, 2026 | 12:00am
- Kapag nilagnat, kailangang balutin ng makapal na kumot para “mailabas ang init.” Mali ito. Kapag makapal ang kumot, lalo pang tataas ang temperatura ng katawan. Mas mainam na uminom ng maraming tubig, magpahinga, at magsuot ng magaan at preskong damit.
- Mas mabuting pigilan ang pagbahing dahil puwedeng lumabas ang mikrobyo. Mali. Ang sobrang pagpigil sa pagbahing ay maaaring magdulot ng mataas na pressure sa ilong at tainga. Mas mabuting bumahin sa tissue o sa baluktot na siko upang hindi kumalat ang mikrobyo.
- Kailangan uminom ng walong basong tubig araw-araw kahit hindi nauuhaw. Hindi ito pare-parehong kailangan ng lahat. Ang dami ng tubig na kailangan ay depende sa edad, timbang, klima, at antas ng aktibidad. Ang pakiramdam ng uhaw at mapusyaw na kulay ng ihi ay magandang gabay sa tamang hydration.
- Mas mabilis gumaling ang sipon kapag umiinom ng antibiotic. Mali. Karamihan sa sipon ay dulot ng virus, at hindi ito tinatablan ng antibiotic. Ang maling paggamit ng antibiotic ay maaari pang magdulot ng antibiotic resistance.
- Kapag may nosebleed, kailangang ihiga at itingala ang ulo. Mali ito. Mas ligtas na bahagyang iyuko ang ulo at pisilin ang malambot na bahagi ng ilong sa loob ng 10–15 minuto upang hindi malunok ang dugo.
- Ang katamtamang pag-inom ng red wine ay nakakapagpababa ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Sahlgrenska Academy, University of Gothenburg, magiging kapakipakinabang lang ang red wine kung ang isang tao ay regular na nag-e-exercise at nagtataglay siya ng genotype CETP TaqIB. At 15 percent lang ng population ang may ganitong specific genotype.
- Kung hindi makatulog, magbilang ng “usa” para antukin. Ang utak ay lalong nagiging active kapag “nagbilang ng usa” na kontra sa pagpapaantok, kaya mali ito. Kumain ng pagkaing mayaman sa magnesium at B vitamins.
- Ang mga maling paniniwalang ito ay matagal nang umiikot sa ating lipunan. Kaya mahalagang ugaliing beripikahin ang impormasyon at umasa sa mga payo ng mga eksperto at siyentipikong pag-aaral upang maiwasan ang mga gawaing maaaring makasama sa kalusugan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended















