^

Punto Mo

‘Nail Cutter’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAKALAWAK na lugar pala ang Manfouha. Open ang lugar at kanya-kanyang puwesto ang mga nagtitinda. Iba’t iba ang tinda na pawang segunda mano. Karaniwang mga gamit sa bahay at mga opisina ang tinda—sopa, swivel chair, stainless cabinet, lampshade, carpet, kingsize na kama, refrigerator, electric fan, aircon, stainless na lababo at marami pa.

Hindi aakalaing segunda mano ang mga gamit sapagkat nasa kahon pa ang mga ito.
At ang nakakatuwa, murang-mura ang presyo—may 100 Saudi Riyals lang. Ayon sa mga narinig ko, talagang binibenta na ng mura ang mga gamit dun dahil magpapalit ng bago. Nangyayari raw iyon kapag panahon ng Hajj  at magpapalit ng taon.

Nagtanung-tanong ako kung saan ang mga personal na gamit na gaya ng nail cutter at iba pa.

Itinuro sa akin ng Arabo na napagtanungan ko. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Tinungo ko.

Halos mapalundag ako sa tuwa sapagkat naroon ang hinahanap kong mga nail cutter. At napakarami! Noon lang ako nakakita ng bunton ng nail cutter na para bang munting bundok ng halu-halong nail cutter!

Nagsimula akong pumili.

Hindi ko alam ang uunahin kong damputin! (Itutuloy)

NAIL CUTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with