‘Nail Cutter’ (Part 3)
NABIGO akong makahanap ng paboritong nail cutter sa Batha kaya nalungkot ako. Inaasahan ko kasi na makakabili ng bago at kakaibang nail cutter sa Batha. Pero nalibot ko na lahat ang mga tindahan sa Batha, wala akong nakita.
Umuwi ako na laglag ang balikat.
Hanggang sa may kababayan na nagkuwento? sa akin na may isang lugar daw sa Riyadh na bilihan? ng mga segunda manong gamit. Lahat daw ay mabibili roon kahit ang mga nail cutter. Ang pangalan? ng lugar ay Mandfouha. Halos araw-araw daw ay open ang Manfouha pero pinakamarami raw kung Biyernes. Sa araw daw na iyon, mara?ing binabagsak na mga second hand na gamit. Nasa isang malaking lote raw ang mga segunda manong gamit.
Pinlano ko ang pagtungo sa Manfouha. Biyernes ng umaga ay naghanda na ako sa pagtungo roon. Hindi na ako nagyaya pa ng ibang makakasama.
Nang makarating ako sa lugar, humanga ako?apakaraming nagtitinda. Marami nang tao. (Itutuloy)
- Latest















