^

Punto Mo

Babae sa Slovakia na tinaguriang ‘real-life Rapunzel’, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Slovakia na tinaguriang real-life Rapunzel ang nakapagtala ng bagong world record dahil sa napakahaba nitong buhok!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Ukrainian na si Aliia Nasyrova ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Hair on a Living Person (female)”. Ito ay dahil sa buhok nito na may habang 8 feet and 5.3 inches.

Ipinakilala bilang newest record holder si Nasyrova noong April 21 sa Italian TV show na Lo Show dei Record. Namangha ang live audience ng naturang tv show dahil mas matangkad pa ang buhok ni Nasyrova sa height nito na 5 feet 4 inches.

Si Nasyrova ay nagtatrabaho bilang graphic artist at paminsan-minsan ay suma-sideline din siya bilang hair model.

Sa panayam dito, sinabi nito na isang beses sa isang linggo lang niya sina-shampoo ang kanyang buhok. Inaabot ng 30 minutes ang paglalagay ng shampoo at pagbabanlaw dito. Kung maglalagay pa siya ng conditioner, 2 hours ang kaila­ngan niyang ilaan na oras para dito. Once a week lang niya ito ginagawa dahil inaabot ng 24 hours bago matuyo ang kanyang buhok lalo na kapag winter season. Ayaw naman niya gumamit ng hair dryer dahil ayaw niyang ma-damage ito. Kahit kailan ay hindi pa niya naranasan magpagupit. Tini-trim lang niya ang kanyang mga split ends para maging healthy ito. Ayaw din niyang magkulay ng buhok at hanggang sa maaari ay natural ingredients ang gina­gamit niya sa kanyang hair mask at conditioner.

Matapos matanggap ang Guinness certificate, ang nais ni Nasyrova ay maging inspi­rasyon siya ng mga tao na i-ap­preciate ang natural nilang ganda.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with