^

Punto Mo

Maid of Honor (92)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagulat si Honorio sa sinabi ni Rocky na kaya hinahanap ng sindikato si Inah ay dahil ito ang nakaaalam nang pinagtataguan ng pera mula sa illegal na paraan. “May nalalaman si Inah sa kinaroroonan ng pera ng sindikato, Bro?’’

“’Yan ang sabi ng kapatid kong general sa PNP, Pareng Honor. Pero inaalam pa niya ang tungkol diyan. Malaking pera raw ang nakatago at isa si Inah sa nakaaalam. Huwag mo munang mababanggit kay Inah ang tungkol diyan at baka mabigla siya. Palagay ko hindi niya alam na pera ang itinago kasama siya. Ang maganda ngayon, nahuli na ang lider at mga tauhan ng sindikato. Ang ikinatatakot ng utol kong general ay baka naitimbre na ng lider sa iba pang kasamahan nila sa China ang tungkol sa pera. Kaya nga ang advice ni Utol General, huwag munang lalabas.’’
“Sige Bro. Ililihim ko muna kay Inah ang mga sinabi mo. Hindi ko rin muna palalabasin ng bahay.’’
“Good. Sige Pareng Honor. I-update na lang kita sa mga nangyayari. Malaking balita ang pagkakatimbog sa lider ng sindikato. Wala talagang magawang mabuti ang mga Chinese at dito pa sa Pilipinas nagsasabog ng lagim. Sige Pare, bye.’’

Natapos ang pag-uusap ng magkaibigan.

Nag-isip naman nang malalim si Honorio sa sinabi ni Rocky na alam ni Inah ang kinaroroonan ng pera ng sindikato.

Pero hindi muna niya iyon itatanong kay Inah.

ISANG araw na sina Yana at Inah lamang ang nasa bahay dahil nagtungo sa ospital sina Honor at Bianca para sa checkup ng kanilang baby, may nasabi si Inah sa kapatid.

“Mayroong ipinatago sa akin ang lider ng sindikato na si Mr. Xai. Nasa itim na garbage bag. Tandaan ko raw mabuti kung saan ko itinago,’’ sabi ni Inah.

“Anong laman ng garbage bag?’’

“Pera ng sindikato!’’

“Diyos ko!’’

“Itinago ko sa isa sa mga silid ng KTV na ni-raid.’’

“Gaano karami?’’

“Marami!’’

“Hindi kaya yun ang dahilan kaya ka hinahabol ng sindikato?’’

“Baka iyon ang dahilan, Yana.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with