^

Punto Mo

Maid of Honor (91)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Makalipas ang dalawang linggo, nakatanggap ng tawag si Honor mula kay Rocky. Maganda ang sinabing balita.

“Nahuli na ang lider ng white slavery syndicate na bumiktima kay Inah, Pareng Honor. Isang Chinese na ­operator din ng illegal POGO. Pati mga tauhan niyang Chinese timbog din. Ang kapatid kong pulis ang lider ng team na nakahuli sa Chinese. Bukod sa lider ng sindikato, pugante pala sa China ang hinayupak.’’

“Paano nakapasok sa Pilipinas ang puganteng Chinese?’’

“Dahil sa pera, Pareng Honor. Tinapalan ng pera ang mga korap sa Immigration. Kaya nakikita mo, ang daming Chinese dito.’’

“Kaya pala.’’

“Sabihin mo kay Inah na maari na siyang lumabas pero mag-ingat pa rin. Huwag siyang lalabas na walang kasama—isama lagi si Yana.’’

“Sasabihin ko Bro, salamat.’’

“Siyanga pala, nalimutan kung sabihin na kung hindi pala natin na-rescue si Inah ng gabing iyon, balak na siyang ipapatay ng Chinese. Marami palang alam na sekreto si Inah sa sindikato.’’

“Ganun ba?’’

“Kaya mag-ingat pa rin si Inah.’’

“Sige Bro, sasabihin ko kay Inah. Salamat sa malasakit.’’

“May sinabi pa ang kapatid ko na kaya gustong mapatay si Inah ay dahil alam nito kung saan itinago ang mara­ming pera. Si Inah lang daw ang nakaaalam sa ­kinaroroonan ng pera.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ROCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with