^

Punto Mo

Maari bang maningil ng interes sa utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari ko po bang singilin ng interes ang umutang sa akin dahil higit isang taon na niyang hindi nababayaran ang hiniram niya sa akin? Kung puwede kong singilin, magkano ang interes na maaring ipatong? —Benedict

Dear Benedict,

Ipagpapalagay ko nang wala kayong kasunduan tungkol sa pagbabayad ng interes dahil hindi ka naman magtatanong kung puwede ka bang magpatong ng interest kung dati n’yo nang napagkasunduan ng umutang sa iyo ang tungkol dito.

Malinaw sa Article 1956 ng Civil at sa mga kasong napagdesisyunan ng Korte Suprema katulad ng De la Paz vs. L & J Development Company (G.R. No. 183360, September 8, 2014) na dapat ay malinaw ang kasunduan na may babayarang interest sa halagang hiniram at dapat ay nakasulat din ang kasunduang ito.

Kaya kung walang napagkasunduan ukol sa interes at walang kahit anong nakasulat tungkol doon, hindi makakapaningil ang nagpautang ng tubo para sa halagang kanyang hiniram.

Sasagutin ko na rin ang iyong pangalawang katanungan para sa kapakanan ng iba pang mga mambabasa kahit lumalabas na maaring hindi ka makasisingil ng interes. Wala namang limit sa maaring ipataw na interes sa mga utang. Iyon nga lang, kung magkademandahan, maaring pabababain ng korte ang interes kung makitang masyado itong mataas at masasabing unconscionable o hindi na makatuwiran.

Ayon sa De la Paz vs. L & J Development Company at sa iba pang kasong dinesisyunan ng Korte Suprema, labis at hindi makatwiran ang 3 percent monthly interest pataas. Walang bisa ito kahit pa napagkasunduan ito ng nagpautang at ng umutang dahil labag na ito sa moralidad at batas.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with