^

Punto Mo

Sindikato nasa likod sa pagdami ng namamalimos sa lansangan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pansin na ba ninyo ang pagdami na naman ng mga ‘nang­hi­hingi’ sa mga lansangan.

Ok lang naman na magbigay, pero ika nga hindi naman ito na ang ginagawang hanapbuhay ng marami.

Ang talagang nakakaalarma pa rito, nagdadala pa ng mga sanggol at paslit ginagamit na ‘props’ sa lansangan.

Nakalantad ika nga sa panganib sa daan.

Hindi pa nga tiyak kung anak nga nila ang mga ito, ang masaklap may report na ‘inaarkila’ o hinihiram  ang mga bata para isama sa ‘panghihingi’ sa mga motorista sa lansangan.

May ilan naman magulang na pumapayag sa kasunduan kapalit ng bayad o makikihati sa maiipon sa panghihingi.

Ang iba nagdadamit pa na tila kawawa ang kalagayan, mapagpanggap.

Pero kung magiging mapagmasid lang, minsan hindi dapat kaawaan ang ilan sa mga ito lalo at makikita mo na kapag nagpahinga ang mga ito sa paglapit sa mga motorista nasa lilim ang ilan at doon nagsusugal.

Itinataya na ang kinita sa panghihingi gamit ang mga paslit, yun pala gagamitin lang sa bisyo.

Pero dapat din itong matignan ng mga kinauukulan at LGUs dahil sa ulat na kadalasang may grupo ng sindikato na humahawak pa nga sa mga ito.

Bukod nga sa may banta na ng panganib sa lansangan hindi lang sa mismong mga namamalimos kundi maging sa posibleng madamay na motorista,  habang ang nakikinabang nang husto eh ang sindikato.

vuukle comment

SYNDICATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with