^

Punto Mo

Nymphomania

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Nymphomaniac ang tawag sa babaing sobra ang hilig sa sex. Ang kakaibang kondisyon na ito ay tinatawag na nymphomania. Satyriasis naman ang tawag sa kondisyon kung lalaki ang mahilig sa sex. Bakit mas popular ang “nympho” kaysa “satyro?” Kasi mas exciting pagtsismisan at itinuturing na malaking “scoop” ang  tungkol sa babaing mahilig sa sex kaysa lalaking may ganoon ding problema. Sa lipunang may double standard of morality, normal nang maituturing ang lalaking mahilig mambabae kaysa babaing mahilig manlalaki.

Ayon sa mga kuwento noong unang panahon, ginagamot ang nymphomania sa pamamagitan ng pagpaligo ng malamig na tubig, bromide sedatives at clitoridectomy (pagtanggal ng clitoris).

Mula sa librong “Nymphomania, A History”, pinaniniwalaan ng mga doctor noong Victorian era na ang mga sumusunod ay nagiging dahilan ng nymphomania: pagkain ng masusustansiyang pagkain, sobrang hilig sa chocolate, laging nag-iimadyin ng kalaswaan, pagbabasa ng mga nobelang may temang sex at madalas na masturbation na kung tawagin nila ay “secret pollution”.

Base pa rin sa nilalaman ng nabanggit na libro, ang malaking ulo ay indikasyon na mahilig sa sex ang isang tao.  Ayon sa mga Phrenologist, (espesyalista sa pag-aaral tungkol sa bungo ng tao) ang cere­bellum (parte ng utak) na nasa likod ng ulo malapit sa may taynga ang responsable sa physical love at sexual attraction na nadarama ng tao. Kapag malaki ang cerebellum, malaki rin ang bungo. At mas malaki ang cerebellum, mas aktibo ang isip hinggil sa sex.

Ngunit kinontra ang teoryang ito ng Encyclopedia of Psychology: Walang koneksiyon ang size ng bungo ng tao sa shape ng utak.

Ang terminong “nymphomaniac” ay hindi kinikilalang salita  sa medical world. Sa halip ay ginagamit nila ang salitang “hypersexual” at “sexual addiction”.

Kadalasan, hindi ini-enjoy ng mga nympho ang sex. Nakikipag-sex lang sila upang makalimutan sandali ang kahihiyang idinudulot nila sa kanilang sarili; o kaya ay walang magawa, or just to kill time at pantanggal ng lungkot.

vuukle comment

SEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with