^

Punto Mo

Employment ng SHS graduates, swak na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS isang dekada na ang nakalipas simula ng ipatupad ang K-12 Basic Education Program na naglalayong palakasin ang kasa­nayan at mabilis na makakuha ng trabaho ang batang Pinoy pag­ka-graduate ng senior high school. Sa kasamaang palad, nanatiling subsob ang employability rate ng mga SHS graduates. Anyare?

Sa pagtingin ng pamahalaan ay hindi madaling makahanap ng trabaho ang mga SHS graduates dahil walang katunayan na sila ay may sapat na kahandaan para makapagtrabaho. Ano sa palagay n’yo mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Upang palakasin ang employability rate ng SHS graduates, lumagda ng nakaraang linggo ang Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng joint memorandum circular na nagmamandato sa lahat ng SHS na dumaan sa Technical Vocation Livelihood (TVL) track na sasailalim sa assessment at certification.

Ayon sa TESDA, tinatayang 297,000 SHS-TVL graduates ang unang sasabak sa assessment at certification simula Hunyo. Maglalaan daw ng pondo para sa pagpapatupad ng programang ito. E di Wow!! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kasama sa lumagda sa circular ay ang Commission on Higher Education (CHED) at Depart­ment of Labor and Employment (DOLE) upang ibaon ang technical vocational training sa lahat ng SHS tracks upang mabigyan ng kinakailangang kasanayan at kaalaman ang kabataang Pinoy. Inaasahan na ito ay makakatulong ng malaki upang mabilis makapaghanapbuhay sa kanilang pagtatapos sa SHS. Mismooooo!

Ang paglalabas ng mga memorandum ay ikinatuwa naman ng advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd). “This is a step toward the fulfillment of K-12’s promise of employability. By design, the K-12 program aims to give students enough time to acquire skills to thrive in whatever path they choose to take,” ani PBEd Executive Director Justine Raagas. “The disjunction in implementation and collaboration among government, industry, and academe has been our biggest hurdle, and we are glad to see things moving along,” saad pa ni Raagas Ayossssss!

Kumbinsido si Raagas ang TESDA assessment at certification ay magiging “ticket to employment” ng mga SHS-TVL learners. Base sa circular ang DepEd ang mangunguna sa pagdevelop at rebisa ng curriculum pa sa paglalagay ng TVET sa lahat ng SHS tracks.

Ang CHEd at TESDA ay tutulong magbibigay ng technical expertise sa DepEd. Siyempre TESDA naman ang mamamahala sa pag-certify sa SHS graduates habang ang DOLE ang makikipagugnaya sa industriya para mapadali ang paghahanap ng trabaho. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Muling binigyang diin ni Raagas ang kahalagahan ng tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng mga naturang circulars. Kaya hinikayat ni Raagas na makipagtulungan ang private sector sa pagrerebisa ng SHS curriculum at magbukas ng work-based training opportunities para sa mga mag-aaral sa senior high.

“We are hopeful that through these initiatives, we’ll be a step closer towards realizing our goal of making multiple and diverse pathways to success at reach for every Filipino, through proper education and training,” ani Raagas.  Abangan!

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with