^

Punto Mo

Malakas na batas sa road rage, ihihirit  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

GAYA ng nabanggit natin sa ating kolum kahapon, alarming o lubhang nakakabahala ang pagdami ng insidente ng road  rage sa bansa.

Tila wala nang kontrol sa kanilang galit ang ilang mga motorista na ika nga konting gitgitan lang, hahantong na sa mainitang komprontasyon sa lansangan.

Isa sa naging mungkahi nga rito ng Land Transportation Office (LTO) na ipinaalam nila sa Kongreso ay ang gumawa ng batas, partikular sa pagpapataas sa parusa sa mga indibidwal na sangkot sa mga insidente ng road rage.

May paliwanag dyan si LTO Chief Vigor Mendoza, na nagsabing sa kasalukuyan, alinsunod sa Land Transport Act, nabatid na hanggang apat na taon lamang ang suspension o revocation ng  dri­ver’s license ang pinakamabigat na parusa sa mga pasaway na motorista sa mga kalsada o yung dawit sa mga vehicular accident na may namatay o nasugatan sa mga aksidente sa lansangan.

Dapat lamang umano na may hiwalay na batas na magpaparusa sa mga insidente ng road rage.

Maaari umanong pag-aralan ang pagkakaroon ng specific penalty kung made-define ito at babagsak bilang insidente ng road rage.

Kamakailan din lang ay binanggit ng LTO chief na plano rin nilang mag-profile ng mga aplikante ng driver’s license upang mabatid kung sinu-sino sa mga ito ang humahawak o may sariling mga baril.

Hihingan nila ng tulong kaugnay dito ang Philippine Na­tional Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) at ibang ahensiya ng gobyerno upang mapagsama ang mga datos kung ang isang apli­kante ng driver’s license ay may baril.

Nais ding malaman ng LTO ang requirement­ at basehan ng PNP sa pagbi­bigay ng permit to own and possess firearms bilang bahagi ng profiling ng driver’s license applicants.

Ang ganitong mga hakbang ay plano ng LTO dahil nga sa sunud-sunod na namang mga road rage incident na lubhang nakakatakot.

Isa pang nakikitang dahilan rito, ay ang matinding trapik sa mga lansangan partikular sa Metro Manila na isa kaya maraming motorista ang madaling mag –init ang ulo.

Kaya nga payo ng mga eksperto matutong kumontrol sa galit lalu na sa lansangan, dahil wala itong ibubungang mabuti.

Kung hindi ikaw ang masaktan baka ikaw ang makapanakit sa nakakakomprontasyon sa lansangan.

Pero higit sa lahat na kailangan para ito maiwasan, disilpina at respeto sa kasabayang kapwa motorista.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with