^

Punto Mo

Comeback movie ni Ate Vi, hinihiritang isali sa MMFF!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Comeback movie ni Ate Vi, hinihiritang isali sa MMFF!             
Ate Vi

Marami ang nagsasabi na dapat daw isali sa Metro Manila Film Festival ang comeback movie ni Ate Vi (Vilma Santos), para bongga. Posible nga naman siyang manalo ng awards, bukod pa sa malamang maging top grosser siya para mapatunayan minsan pa na hindi lang siya isang magaling na aktres kundi reyna ng takilya. Sa ngayon kailangan iyan ng industriya lalo na nga walang pelikulang Pilipino na masasabing talagang kumita sa takilya sa taong ito. Malaking bagay lalo na para sa festival ang matiyak na may isa man lang siguradong box-office hit na pelikula.

Pero hindi iyon ang naiisip ng mga producer ng pelikula na siya siyempreng masusunod. Gusto nilang ilabas daw iyon sa September. Aywan kung mayroon silang okasyon sa mga petsang iyon at gusto nilang isabay ang pagpapalabas ng pelikula ni Ate Vi.

Kung titingnan din naman mukha ngang advantage iyon. Una wala silang makakasabay na ibang pelikulang tagalog, makokopo nila ang mga mahilig na manood ng pelikulang Tagalog. Bukod doon, darating iyan sa probinsiya nang bago mag-Pasko kung kailan medyo maluwag na ang kabuhayan ng mga tao.

Ang gusto nilang gawin ay busisiin nang husto ang post poduction ng pelikula para masiguro nilang magandang-maganda ang kanilang product. Iyong mga Vilmanian naman ay sigurado, dahil bukod sa talagang organized sila, napanatili nila ang kanilang bilang. In fact mas dumami pa nga sila ngayon dahil sa mga bago nilang mga “bagets na members sa kanilang samahan.” Mayroon pa ngang mga below 18 years old.

Bale ngayon lang sila masasabak na pelikula ni Ate Vi sa mga sinehan ulit, at sinasabi nilang todo ang ipapakita nilang suporta doon. Nanghihinayang nga sila dahil ang mga sinehan ngayon ay maliliit at wala nang lobby, dahil nasa mga mall na nga. Hindi gaya noong araw na ang mga sinehan ay may lobby na napupuno ng dekorasyon na inilalagay ng fans. Basta ngayon importanteng manood sila.

Gym instructor, tuloy ang pagpapapansin

Believe rin naman kami sa fighting spirit ng gym instructor na si Rendon Labador. Kinalaban niya ang TVJ. Tapos sinabihan niya si Ricci Rivero na puro porma lang daw at palamunin pa pala. Ngayon pati ang pagtanggi ni Lea Salonga sa pagpapasok ng fans sa kanyang dressing room ay pinakialaman ni Labador, at sinabi pang laos na ang singer. Minsan nakakaasiwa na ang ginagawa ng social media influencer na iyan.

Talaga bang matindi ang inggit ni Labador sa mga sikat kaya lahat ay sinisiraan niya sa paghahangad na mapansin siya, pero lalo siyang nagiging nega at hindi sumisikat.

Rabiya, niligawan ng bakla!

Sinabi ni Rabiya Mateo na wala naman daw tomboy na lumapit sa kanya kahit na noong araw. Pero kung wala siyang appeal sa mga lesbian, may nanligaw naman daw sa kanyang bakla. Hindi naman daw baklang-bakla, ibig sabihin ay paminta pa, “Pero naaamoy ko malansa eh” ang sabi niya.

Pero hindi kami naniniwala na ganoon katalas ang pang-amoy ni Rabiya. Maaamoy rin ba niya kung ang nanliligaw sa kanya ay may kasiping na bakla noong sinundang gabi. Kung hindi niya maaamoy iyon, mali dahil mas malansa iyon. Kung sinasabi niyang amoy malansa ang bakla, mas malansa naman ang mga call boy, ang mga bayarang lalaking pumapatol sa bakla hindi ba?

Hihintayin nating maligawan siya ng kabit ng bakla at saka natin sasabihin kung talaga ngang matalas ng pang-amoy niya.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with