^

Punto Mo

EDITORYAL - Vape, salot sa kabataan

Pang-masa
EDITORYAL - Vape, salot sa kabataan

NANGANGAMBA ang mga magulang sa pagkahumaling ng kanilang mga menor de edad na anak sa e-cigarettes o vape. Hindi na raw maganda ang nangyayari ngayon na pagka-addict ng mga kabataan mula nang maging batas ang Vape Bill noong Hulyo 2022, kahit hindi nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, paggawa, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine pro­ducts. Subalit tila hindi naipapatupad ang tuntunin.

Isang grupo ng mga magulang na tinawag na Parents Against Vape (PAV) ang umaapela sa pamahalaan na magkaroon nang mahigpit na kautusan laban sa pagbebenta sa vape products. Ayon sa PAV, nakaalarma ang pagkahumaling ng mga kabataan sa vape at tinawag nila itong “vapedemic”.

Ayon pa sa grupo, kinakailangan nang amyendahan ang Vape Law at itigil na rin ang pagpo-promote sa vape products upang hindi mahikayat ang mga kabataan.

Marami na umano ang naglabasang flavor ng vape na isang paraan para maakit ang mga kabataan na tikman ito. Ayon pa sa PAV ang vape ay hindi ligtas na alternatibo sa paninigarilyo. Mapanganib sa kalusugan ang vaping na sumisira sa lungs at utak ng mga kabataan. Nakamamatay ang bisyong ito gaya ng nireport ng EVALI or e-cigarette or vaping use-associated lung injury.

Nararapat suportahan ang panawagan ng mga magulang laban sa panganib ng vaping. Delikado ito sa kalusugan. May mga naitala ng report na namatay dahil sa vape. Gaya nang nangyari sa isang 16-anyos na babae sa Visayas noong 2018. Nakuha niya ang sakit sapagkat ang mga kasamahan niya sa bahay ay gumagamit ng vape.

Nakadagdag sa pagkahumaling ng mga kabataan sa vape ay sapagkat madaling makabili nito. Laganap ang vape store sa bisinidad ng school. Paglabas ng mga estudyante, sa vape store ang tungo nila.

Noong nakaraang taon nangako ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Health (DOH) na babantayan ang vape shops na nagbebenta sa menor de edad pero hindi ito tinupad. Dumadaan lang ang mga pulis sa harap ng vape shops na parang walang nakita.

Sinabi ng DOH na lahat nang vape products ay mapanganib sa kalusugan. Ang disposable vapes ay gawa sa plastic at batteries at nagtataglay ng harmful chemicals na kapag nalanghap ay delikado sa baga. May sangkap itong nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na harmful sa baga.

Suportahan ang mga magulang laban sa vape. Hindi maganda ang patutunguhan kapag naging sugapa rito ang mga kabataan. Salot ito na dapat pigilan.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with