^

Pang Movies

Twinning pa… Kathryn at Alden, huli na namang magkasama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Mukhang favorite nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang BGC dahil dito sila laging nakikita. Una nang nasulat na naispatan silang nanood ng sine sa nasabing lugar at nasundan ‘yun.

Spotted sila sa BGC noong May 25. Hindi alam kung bakit sila naroon, si Alora na lang ang tanungin dahil siya ang kasama ng dalawa.

Sa lumabas na larawan, pababa sa escalator ang KathDen at kahit natakpan ang mukha ng mga suot na cap at face mask at kahit nakayuko sila, nakilala pa rin at kinunan ng larawan.

Twinning ang KathDen sa suot nilang black t-shirts. Black din ang pants ng aktor at denim pants at nakasuot ng maong jacket si Kathryn.

Napansin ng fans na hindi naman sila magka-holding hands. Baka raw wala pa silang relasyon at nanliligaw pa rin si Alden.

Significant lang ang May 25 sa KathNiel fans nina Kathryn at Daniel Padilla. Anniversary raw ito ng dalawa at kung sila pa, malamang nag-celebrate sila ng kanilang 12th anniversary.

Barbie, ginagaya raw si Sarah

Kundi pa alam ni Sarah Lahbati na magkasama sa Korea sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, nalaman tuloy dahil sa sumbong ng fans. Sa Instagram ni Sarah nag-uusap ang fans sa mga ganap nina Richard at Barbie.

Kasama raw sa Korea ang mom ni Barbie at nabanggit pa na spotted sila minsan sa Tipsy Pig. Mas galit pa ang fans kesa kay Sarah dahil may Barbie na raw ang ex nito.

Heto pa, ginagaya raw ni Barbie si Sarah sa pananamit pati ang hairstyle. Tsinek tuloy namin ang IG ni Barbie para malaman kung may gayahan bang nangyayari, pero para namang wala.

Marami pang sumbong ang fans sa kanya sa mga ganap nina Richard at Barbie. Kaya lang, parang wala siyang pakialam sa kanila. Focus siya sa mga anak, sa binalikang ac­ting career at sa mga dumarating na endorsement.

Sa mediacon ng Lumuhod Ka Sa Lupa, natanong na rin si Sarah kina Richard at Barbie na nakita raw sa Pa­lawan, natatandaan naming sagot nito, hindi siya nakikialam sa mga ganap ng ex. Ganu’n pa rin ang sagot nito ngayon for sure.

Samantala, natupad ang wish nina Sarah, Kiko Estrada, at director Albert Langitan na malipat sa primetime ang timeslot ng Lumuhod Ka Sa Lupa dahil sa Hunyo, sa TodoMax Primetime Singko na ito mapapanood.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with