^

Punto Mo

Manang Rose (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Basta Gino, huwag mo nang ikukuwento kay Manang na sinasamahan moa ko sa school ng mga kapatid ko,’’ ulit ni Eliz nang malapit na sila sa bahay. Tiyak na tatanungin sila ni Manang kung bakit ngayon lang dumating.

“Oo.’’

“Salamat uli at sa mga susunod pa Gino.’’

Tumango si Gino.

KINABUKASAN, sinamahan muli ni Gino si Eliz sa school nina Ella at Emmy. Gulat na gulat uli sina Ella at Emmy nang makita si Eliz.

“Akala ko sa isang araw ka pa pupunta rito Ate?’’ tanong ni Ella.

“Oo nga Ate,’’ sabi naman ni Emmy.

“Ayaw n’yo ba akong pumunta rito?’’

“Hindi naman, Ate. Gusto nga namin. Kasi nga hindi ka na pumupunta sa bahay.’’

“Kasi nga Ella, galit sa akin si Mama dahil tutol ako sa pag-aasawa niya. Baka pagnakita ako ni Mama ay saktan ako.’’

Napatango ang dalawa.

Tiningnan ni Emmy si Gino.

Nagtanong ito kay Eliz.

“Sino siya Ate? Boyfriend mo?”

Nagtawa si Eliz.

“Hindi, si Kuya Gino yan. Kaibigan ko. Kasama ko siya sa bahay.’’

“Ah akala ko boyfriend mo.’’

“Ikaw ang bata mo pa alam mo na ang boyfriend.’’

Nagtawa si Ella at Emmy.

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay nagpaalaman na sila.

“Mag-ingat kayo Ella at Emmy.’’

“Oo Ate. Ikaw mag-ingat din at ikaw din Kuya Gino.’’

Ngumiti lang si Gino.

Umalis na sina Ella at Emmy.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with