^

Punto Mo

Mga empleyado na nag-absent nang walang paalam, ­puwede bang tanggalin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ko po bang tanggalin ang empleyado ko na umabsent sa trabaho nang walang paalam? – John

Dear John,

Palagi ba itong ginagawa ng iyong empleyado? Kung paulit-ulit niyang ginagawa ang pagliban nang walang paalam at wala naman siyang sapat na dahilan para rito, maaari itong ituring na gross and habitual neglect of duty na maaaring maging dahilan upang siya ay tanggalin sa trabaho. Ngunit mahalagang tandaan na kahit pa may sapat na dahilan para tanggalin ang empleyado, kailangan pa ring sundin ang twin notice rule, kung saan kailangan mo siyang bigyan ng unang abiso na naglalaman ng paratang laban sa kanya at ng pagkakataong sumagot, at ng pangalawang abiso na nagpapaalam ng iyong desisyon.

Ngunit kung minsan lamang nangyari ang insidente, maaaring hindi angkop ang parusang termination sa kanya. Ito ang itinakda ng Korte Suprema sa kasong BookMedia Press, Inc. and Brizuela v. Sinajon and Abenir (G.R. No. 213009, 17 July 2019). Ayon sa Korte Suprema, dapat ay nakalaan lamang ang pinakamatinding parusa ng termination o pagsisisante para sa mga insidenteng nagpapakita ng seryosong pagsuway ng empleyado sa mga utos at patakaran ng kanyang employer, o nang malalang kapabayaan sa kanyang mga tungkulin.

Inihalintulad ang termination sa parusang kamatayan sa mga kasong kriminal, na hindi dapat basta-basta ipinapataw para sa mga violations o paglabag ng empleyado na hindi naman seryoso, lalo na kung hindi ito sinasadya at minsan lamang naganap.

Kaya kung ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataong umabsent ang iyong empleyado nang walang paalam, sapat na marahil na bigyan mo siya ng notice ukol sa kanyang ginawa, kasama ng babala na ang katulad na pangyayari sa hinaharap ay magdudulot na nang mas mabigat na parusa.

AWOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with