^

Punto Mo

‘Gintong lisensiya’  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MABUTI at nakarating na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sumbong ng maraming mga bagong nag-aaplay ng drivers license patungkol sa mataas na bayarin na nagsisimula sa P9,000 hanggang P15,000.

Ibang klaseng lisensiya yata ito, halos ginto ang  halaga.

Isang resolusyon na nga ang inihain ni 4th District Pampanga Rep. Ana York Bondoc para maimbestigahan ito.

Grabe naman kasi, na hindi , isipin pang karamihan sa mga bagong nag-aaplay ng non-professional license eh yung mga mga estudyante at wala pang halos pinagkakakitaan at yung iba nga eh ang magulang pa ang magbabayad magkaroon lang sila ng lisensiya.

Kung tutuusin, ang bayarin sa LTO ay tinatayang nasa P1,500 lang kasama na ang medikal.

Eh bakit nga aabot sa mula 9,000 hanggang P15, 000 na siyang idinadaing ng mga bagong nag-aaplay.

Eto na dyan na nagsisimula ang kalbaryo ng isang bagong nag-aaplay,  meron pa umanong dapat na bayaran tulad ng theoretical driving course na mula P1,500 hanggang P2,500, meron pang practical driving course na nasa P3,000 hanggang P7,000.

Eh talagang nakakagulat yan, na dati namang hindi ganyan.

Kadalasan pa nga sa mga ito, kaya kukuha ng lisensiya ay para magamit sa kanilang hanapbuhay, eh mistulang placement fee na ang sinisingil sa katulad sa isang mag-aabroad.

Dapat lang marahil itong mabusisi nang husto baka naman may nagsasamantala na at ang idinadahilan ang Republic Act No. 10930 na nagpapalawig  sa driver’s license hanggang 10 taon para makapasa sa driving school test ang sinuman kahit na marunong pa itong mag-drive, ayon nga kay Bondoc sa kabila na ang layon nito ay ang mapagbuti ang ‘road safety’ o kaligtasan sa kalsada pero.

vuukle comment

DRIVER LICENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with