^

Punto Mo

EDITORYAL - Parusahan, ­iresponsableng nagtatapon ng medical waste

Pang-masa
EDITORYAL - Parusahan, ­iresponsableng nagtatapon ng medical waste

MARAMING may-ari ng laboratoryo at klinika ang iresponsable sa pagtatapon ng kanilang medical waste ngayong may pandemya. Kung saan-saan na lang nila itinatapon ang mga ginamit na COVID test kits, heringgilya, face masks, guwantes at iba pang protective personal equipments (PPEs). Ang mga iresponsableng laboratoryo at klinika, iniiwan na lang sa mga nakabuyangyang na basurahan sa sidewalk at ang iba naman ay sa mga bakanteng lote, tabing dagat, ilog at sapa. Sobrang iresponsable ng mga may-ari ng laboratoryo at klinika na hindi na naisip na puwedeng mahawa ang mae-exposed sa medical waste. 

Noong nakaraang linggo, pitong bata sa Virac, Catanduanes ang tinamaan ng COVID. Ang mga bata ay edad 3 hanggang 11. Nahawa ang mga bata dahil sa pinaglaruan nilang mga ginamit na heringgilya na kanilang napulot sa tabing aplaya sa Brgy. Concepcion. Ang mga ginamit na heringgilya ay itinapon ng isang laboratoryo na nasa di-kalayuang lugar. Hindi lamang ang pitong bata ang nahawa ng COVID kundi pati na rin ang isang babae na sumaway sa mga bata.

Ayon sa barangay chairman ng Concepcion, naka-isolate na ang mga bata at binigyan na ng mga bitamina para lumakas ang immune system.  Ayon pa sa barangay chairman, nag-sorry na raw sa kanila ang laboratoryo na nagtapon ng mga heringgilya. Hindi nabatid kung kakasuhan ang laboratoryo sa pagtatapon ng medical waste. Dapat maparusahan ang iresponsableng laboratoryo at pangalanan ito.

Hindi kataka-taka kung kumalat ang COVID dahil sa mga tulad nitong iresponsableng labora­toryo at klinika. Maski sa Metro Manila ay maraming iresponsableng laboratoryo. Noong nakaraang taon, isang basurero ang nagkalat nang mga basurang COVID test kit sa Vicente G. Cruz St. Nabutas ang black bag na kinalalagyan ng used test kit at naglaglagan sa kalsada ang mga basura. Ayon sa basurero, napulot niya ang black bag sa Palanca St. Quiapo. Itinapon ito ng isang laboratoryo. Hindi nabatid kung kinasuhan ng Manila City Hall ang laboratoryo.

Habang ang gobyerno ay naghihigpit para mapigilan ang pagkalat ng COVID, marami naman ang pasaway at walang pakialam kung kumalat ang virus. Dapat may masampolan na makasuhan na mga iresponsableng nagtatapon ng medical waste o ng mga basurang pandemya.

vuukle comment

MEDICAL WASTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with