^

Punto Mo

Lalaki, nag-alaga ng buwaya sa bahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Illinois ang nag-alaga ng buwaya sa kanyang bahay para raw maka-attract ng babae.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang Cook County Sheriff’s Office at sinabing isang lalaki ang nag-aalaga ng buwaya sa bahay nito.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang bahay at ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat nang makita ang buwaya na inaalagaan ng lalaki na tumangging ibigay ang pangalan.

Natagpuan ng mga pulis ang buwaya na nakalagay sa isang fish tank sa kitchen. Sa ibabaw ng fish tank ay may heatlamp. Nakita ng mga pulis na lumalanguy-langoy ang four-foot na buwaya.

Sinabi ng lalaki na binili niya ang buwaya sa Indiana, Illinois sa halagang $200. Para raw hindi lumaki ang buwaya ay inilagay niya sa fish tank at pinakakain lamang niya ng isang beses sa loob ng isang buwan. Sampung buhay na daga ang ipinakakain niya sa buwaya.

Nang tanungin ng mga pulis kung bakit buwaya ang na­isipang alagaan ng lalaki, sinabi nito na mabisang pang-attract ng mga babae ang buwaya.

Nagkatinginan na lamang at napailing-iling ang mga pulis sa sagot ng lalaki.

Kinumpiska nila ang buwaya at ipinagkaloob sa Chicago animal welfare group.

Hindi naman binanggit kung kinasuhan ang lalaki sa pag-aalaga ng buwaya.

vuukle comment

ILLINOIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with