^

Punto Mo

Sugar Mommy (336)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

YUMUGYOG ang balikat ni Jane habang umiiyak at yakap ni Jericho. Marahang tinatapik ni Jericho ang balikat nito.

“Tahan na, Jane. Hindi ka na masasaktan. Hindi mo na mararanasan ang mga sakit. Hindi ka na maaapi at magdurusa. Wala nang mananakit sa iyo. Pawang kaligayahan ang makakamtan mo.’’

Tumigil sa pag-iyak si Jane.

Lalo pang hinigpitan ni Jericho ang pagyakap kay Jane. Ngayon ay lalo pa niyang minahal ang babaing ito. Lalo pang lumalim ang pagmamahal niya rito. Ngayong nalaman niya ang pinagdaanang hirap ni Jane sa unang asawa nito, ipina­nga­ngako niya na lalo pa itong mamahalin nang higit sa kanyang buhay. Wala na siyang mamahalin pang iba kundi ang babaing ito.

Niyakap pa niya ito nang mahigpit. Punum-puno nang pagmamahal at paggalang.

Hanggang sa unti-unting kumalas si Jane at idinampi nito ang kanang palad sa kan­yang pisngi at nagsalita.

‘‘Pasensiya ka na kung ngayon ko lang naipagtapat sa iyo ng buo ang mga nangyari sa akin. Akala ko kasi, maililihim ko at hindi na babalikan ang mga masasamang nangyari. Hindi pala. Kailangan din palang balikan para maiugnay sa hinaharap. At alam mo Jericho, nakahinga ako nang maluwag makaraan kong ikuwento sa iyo ang lahat. Para bang nawala na lahat ang mga kinikimkim sa kalooban ko.’’

‘‘Mabuti nga at sinabi mo. Ngayon ay wala ka nang dina­dalang pabigat.’’

“Oo nga Jericho.’’

“Lalo kang gaganda ngayon’’

Kinurot ni Jane si Jericho sa tagiliran.

Napaiktad si Jericho.

‘‘Aray ang sakit mong mangurot!’’

“Payag na akong makasal tayo sa simbahan pero tayu-tayo lang. At gusto ko dito sa kubo natin gaganapin ang reception. Malawak naman ito. Gusto ko Pilipinong-Pilipino ang motif pati handang pagkain. Puwede rin doon tayo sa may pampang ng sapa para maganda ang tanawin.’’

“Yes! Masusunod ang gusto mo. Kailan natin ida­raos?’’

“Next month na para ta­mang-tama sa summer.’’

“Okey. Tatawagan ko si Sir Abdulaziz at si Sammy para makapaghanda na sila sa pag-uwi rito. Tiyak na matutuwa ang mga iyon.’’

Napayakap si Jane kay Jericho. Walang kasingligaya ang nadarama niya

(Tatapusin na bukas)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with